•Tammy's POV•
Pauwi na kami ng bahay ngayon pero ganon pa din si,Ciara hindi pa din mawala yung ngiti sa mukha.
Mukhang tinamaan na nga talaga don kay, Kezly iba talaga siguro pag pogi nagkakaganon.
Iba na nga yata talaga lagay ni,Ciara masyado ng malala.HAHAHA!
So ayon lutang na naman kanina pa nagsasalita si Wyn,pero walang kumikibo.
"Aray!" Biglang sabi ni Ciara.
"Masaket diba? Kanina pa ako salita ng salita dito para akong tanga ubos na laway ko wala pa lang nakikinig na, Ciara!" Tugon naman ni,Wyn sa kanya dahil hinampas niya pala. Stress ang lola niyo HAHAHA.
"Tsk! Pwede naman akong kausapin ng maayos nang----" sagot ni,Ciara pero pinutol na agad yon ni,Wyn.
"Wow! Anong kausap ang gagawin ko sayo? Kung hindi mo nga ako mapakinggan at harapin manlang." Pagtataray na sagot niya.
"Woi! Tigilan niyo na umuwi na lang tayo" awat ko sa kanilang dalawa at baka mamaya mag sabunutan nalang yung dalawa nato parehas pa naman brutal at amazona to.
Ayon na nga pagkasabi ko na umuwi, nauna nga hindi manlang ako hinihintay ang kakapal ng mukha.Sarap sampalin yung back to back sana.Charot!
"Ebarge! Parang hindi kaibigan eh" parinig ko sa kanilang dalawa habang patakbong sumusunod sa kanila.
Sabay naman silang tumawa at sabay apir din.
Ay iba den ang mga mood minsan matino pero mas madalas baliw.
Habang naglalakad ako biglang nag vibrate yung phone ko kaya kinuha ko.
Akala ko si, Mommy dahil medyo ginabi na kami dumaan pa kase kami don sa seven eleven bumili ng konting snacks.
May message pero hindi si, Mommy dahil naka-save ang number niya pero itong new message nato ay hindi ko kilala kase unknown number lang nakalagay.
Inopen ko yon.
From; +63975-------
Hi Ms.Tamara.
5:57 pmAyan yung message niya,pero bakit kilala niya ako.
Saan niya nakuha yung number ko? Sino nagbigay ng number ko sa kanya?
To;+6397-------
Ah hello!
Sino po sila?
6:00 pmMessage Sent!
Reply ko sa kanya dahil na-curios nako,paano niya nalaman pangalan at number ko?
Hindi na yata magre-reply kaya susunod nalang ako sa dalawa na hindi na talaga ako hinintay.
Habang naglalakad ako nag vibrate ulit pero diko nalang pinansin mamaya nalang pag uwi ko sa bahay.
"Hoy hintayin niyo naman ako" sigaw ko sa kanila kahit medyo malapit naman na ako.
YOU ARE READING
Paubaya
RandomHello! Ako si Tamara. Isa sa mga pangarap ko ang piliin. Sounds funny, right? Wala eh, buong buhay ko hindi ko pa kasi nararanasan 'yon. Palagi kasi akong nagpapa-ubaya, palagi kong iniisip yung mararamdaman nila kaysa sa sarili ko. Pero siguro gano...