•Calix's POV•
Hanggang makapasok kami sa loob ng campus may mga tao pa din na nag bubulungan. Ang akala ko kanina ay wala akong maririnig na masasamang salita ngunit nandito pala lahat ng 'yon sa hallway.
"Ano ba yan umpisa pa lang ng school year mag jowa na agad"
"Sayang yung boy, 'di sila bagay nung girl"
"Harot naman mag jowa agad"
"Hindi ba yung dalawang lalaki na 'yan ay transfer pa lang?"
"Oo. Di'ba natira agad bago pa lang"
"Landi naman n'yan!"
"Walang forever 'di sila bagay. Yuck!" Nagpanggap s'ya na parang nasusuka.
Ayoko na mang husga pero kung ikukumpara mo ang ganda ni Ciara, Wynona at Tamara ay hindi sila pwede.
Wala pa sa kalingkingan nung tatlo ang mga itsura nila.
Tinignan ko isa- isa lahat ng nag sabi non, mabilis silang napayuko mabilis akong lumapit sa kanila pero may kamay na humila sa braso ko.
"Calix, hayaan mona sila" bulong sa akin ni, Tamara.
"Mga 'Miss' sa susunod na naman na pag- uusapan n'yo kami make sure yung totoo" may diin sa tono ang bawat salitang sinabi ni Ciara, naka alalay naman sa kanya si Kezly.
"Ayokong mang judge but damn! If i compare ourselves to the both you, you are all nothing." may halong inis na sambit ni Wynona, at nauna ng maglakad kasunod si Tristan.
"Hindi ako pumapatol sa babae pero sa susunod na marinig kopa kayo ulit mag pasensyahan nalang tayo" sambit ko sa kanilang lahat at inaya na si Tamara. "Let's go"
"Sorry hindi na mauulit" naka yuko sila ngayon. Mga hiyang hiya sa katotohanan pero sa pang lalait ng kapwa ang lakas ng mga loob.
In fairness kay Wynona at Ciara, ang palaban nilang dalawa pero si Tamara, nanatiling walang kibo nalang, pero nagawa pa din naman niyang pigilan kami.
Ang swerte n'ya pa din sa kaniyang mga kaibigan dahil kahit hindi s'ya lumaban may dalawang babaeng magtatanggol sa kan'ya.
Andito na din naman ako ngayon hindi kona hahayaan na awayin s'ya ng kahit na sino. Gusto ko lagi ko s'yang babantayan at gusto ko lagi siyang ligtas sa anumang bagay.
Nang marating namin ang room ay padabog na naupo si Ciara at Wynona, at yung mga kilay nila ay nakataas at ang kanilang mata ay parang papatay.
Well, kahit ako din naman na bad trip sa ginawa nung mga girls, sa hallway kase jinudge nila kami without knowing the story.
YOU ARE READING
Paubaya
RandomHello! Ako si Tamara. Isa sa mga pangarap ko ang piliin. Sounds funny, right? Wala eh, buong buhay ko hindi ko pa kasi nararanasan 'yon. Palagi kasi akong nagpapa-ubaya, palagi kong iniisip yung mararamdaman nila kaysa sa sarili ko. Pero siguro gano...