•Tammy's POV•
Natapos kami kumain sa restaurant na akala mo may discussion about sa mga foods nila pero sulit naman dahil masarap. Si Kezly, nagbayad nahihiya ako sa kanya dahil kami na nag aya siya pa nag bayad pero ayaw niya pumayag na share kami sa bill.
"Girls?" Panimula ni Tristan. Nice hindi na shy boy.
"Yes" mabilis na sagot ni Wynona, ay taray kina-career.
"San punta niyo ngayon?" Tanong ni Tristan.
"Bookstore" tipid na sagot ko dahil yon lang naman gusto ko bilhin every time na pupunta ako ng mall. Madami na akong wattpad books pero tapos kona yung iba kaya gusto ko ulit bumili.
"Ahm Ako, Clothing store" sagot naman ni Wynona, syempre clothing store talaga punta niyan mahilig siya pumorma ganda kase.
"I'll go to the pet store first, I'll just buy food for Snow. I forgot about her lately. " Sagot naman ni Ciara, patukoy don sa magandang aso niya.
"Sige Wyn, samahan na kita sa pupuntahan mo" sabi ulit ni Tristan. "Kayo bro san na kayo pupunta?" Tanong niya naman sa dalawa.
"Pwede ba kami sumama sa inyo?" Tanong ni Calix.
Biglang sumingit si Ciara. "Ayan si Tammy, samahan mo sa bookstore tapos ikaw Kezly, samahan mo naman ako" diretso niyang sabi. Kapal talaga!
"S-sige" nauutal na sabi ni Kezly, napapakaba ni Ciara.
"Sino si Tammy?" Curious na tanong ni Calix, hindi niya kase ako kilala sa nickname ko.
"Ayan yung my love mo" sagot ni Ciara, dito sabay turo saken.
"Wtf?" Mabilis na sabi ko sabay irap sa kanya. Minsan talaga naiisip ko kung bakit ang abnormal niya. "Umalis kana nga baka sayo ko ipakain yung dog food ni Snow eh" pairap na sabi ko ulit pero malakas na tawa lang ang narinig ko mula sa kanya. Baliw!
"Let's go, Kezly" aya niya kay Kezly.
"Ciara, masyadong halata easy-han mo lang" natatawang sabi ni, Wynona.
"Same too you" sagot niya na tinanguan nalang ni Wyn.
"Wait" pigil ko sa kanilang apat bago umalis. "Saan nga pala meet up natin after niyo mamili?" Tanong ko sa kanila.
"Starbucks nalang" sabay sabay nilang sabi. Taray di halatang pinag planuhan. Hindi ako na-inform.
"Sige alis na kami. Tara na Calix" sabi ko sabay aya kay Calix at nagsimula na kami maglakad.
Walang nagsasalita na samin habang naglalakad papuntang book store parang nabalot ng katahimikan ang buong mall.
"Mahilig ka pala sa books" pagbabasag niya sa katahimikan.
YOU ARE READING
Paubaya
RandomHello! Ako si Tamara. Isa sa mga pangarap ko ang piliin. Sounds funny, right? Wala eh, buong buhay ko hindi ko pa kasi nararanasan 'yon. Palagi kasi akong nagpapa-ubaya, palagi kong iniisip yung mararamdaman nila kaysa sa sarili ko. Pero siguro gano...