Chapter 10

10 3 2
                                    

Finifeel ko pa ang simoy ng hangin dito sa korea ng may biglang nangalabit sakin.

"Sav? Di mo ba ipapakuha yang luggage mo? Para sana mabitbit na nung mga body guards. Mabigat kasi yan diba?" Mahinanong tanong ni Amara.

"Ayyyy sorry. Papakuha ko na. Di natin kaya yan." Natatawang sabi ko at agad tinawag yung body guards para ilagay ang maleta ko sa sasakyan.

"Alam mo Sav masyado ka ng nababaliw. Nasa airport ka palang girl pero feeling mo nasa harap mo na si Dylan." Pang aasar sakin ni Lexi.

Inirapan ko naman sya. "Nagsalita ang hindi baliw. Hiyang hiya naman ako sa dala mong box at punong puno ng regalo para kay Caleb."

"Hay nako andyan nanaman kayong dalawa. Halika na nga at nakakahiya naman kay Mr. Wang kanina pa sya nag aantay oh." Nguso naman si Amara kay Mr. Wang na napakaganda pa rin ng ngiti.

Agad agad naman kaming pumasok sa sasakyan at biglang nag salita si Mr. Wang.

"How's your flight Ma'am Sav? Are you tired?" Seryosong tanong nya.

Umiling naman ako. "It's really good and I'm not tired because I only slept in the plane."

Bigla namang sumungit si Lexi sa usapan.

Kahit kelan talaga ang babaeng to parang kabuti.

"Hi Mr. Wang. Diba marunong po kayong magtagalog?" Tanong ni Lexi.

Agad naman syang tumango. "Oo marunong akong magtagalog Lexi. Ang tagal ko din kasing tumira sa pilipinas."

"Nakakatuwa naman po kayo. Kahit na wala na po kayo sa pilipinas ay marunong parin po kayong magtagalog." Pumapalakpak naman na sabi ni Amara.

"Oo naman Amara. Hindi ko din naman basta basta makakalimutan ang pagtatagalog lalo na at may nakakausap ako na pilipinong kagaya nyo." Magiliw naman na sabi ni Mr. Wang.

Panay pa ang kwentuhan nila ng bigla akong dapuan ng antok at nakatulog ulit.

Nagising nalang ako ng maramdamanan kong tumigil na ang sasakyan.

Nagulat ako ng makita ko ang isang modernong bahay na pagkalaki laki.

Hindi naman kami dito mag iistay ah? Ang pagkakaalam ko ay sa hotel kami nagpabook.

"Nasan po tayo Mr. Wang?"

"Sorry Ma'am. Sav. Hindi ko na po kayo nasabihan. Ang himbing na po kasi ng tulog nyo kanina. Nandito po tayo sa bahay namin. Nagluto yung asawa ko. Namiss ka daw kasi talaga nya. Alam mo naman na parang anak na ang turing sayo non." Nahihiyang sabi ni Mr.Wang habang kumakamot sa batok.

"Yan na po ang bahay nyo? Ang bilis nyo naman pong irenovate. It's just a year since I came here pero ibang iba na talaga ngayon. Sobrang ganda at talagang high class na. Bagay na bagay na sa mga bahay dito sa Gangnam. Tara na po kaya? Baka kanina pa nag aantay si Mrs. Wang."

Tumawa naman sya. "Actually kanina pa nga. Kanina pa sya tawag ng tawag sakin at nag tatanong kung nasan na daw tayo. Ang asawa ko talaga hindi na makapag hintay."

Kaya mabilis kong ginising sina Lexi at Amara dahil nakakahiya naman kay Mrs. Wang at kanina pa nag aantay.

Nagising ko na si Amara pero itong si Lexi ay tulog mantika parin.

Paano ba naman kasi sobrang hyper ng babaeng to sa eroplano kaya ayan bagsak tuloy.

Mga ilang minuto pa namin syang ginising ni Amara at sa wakas ay nag tagumpay na kami.

Pikit mata pa si Lexi habang bumababa ng sasakayan pero ng makita nya ang bahay ni Mr. Wang ay agad na nanlaki ang mata nya.

"Bahay nyo po ito Mr. Wang?" Manghang mangha na sabi ni Lexi.

Just Your FanWhere stories live. Discover now