Chapter 8

17 3 0
                                    

Hanggang sa makarating kami sa bahay ay hindi ako tinantanan nung dalawa.

"Paano ka naging fan Sav!! Ikwento mo naman." Yugyog sakin ni Lexi.

"Kaya nga Sav! Dali na. Nakakatuwa naman. Di ko iniexpect na magiging fan ka." Panay naman ang tili ni Amara.

Tinignan ko lang silang dalawa at nginitian sabay bukas ng pinto ng sasakyan at bumaba.

"Thank you for this day Lexi and Amara. Sa uulitin. Ingat kayo." Pagbabye ko sa kanila at agad ng sinarado ang pinto.

Agad namang binuksan ni Lexi yung bintana at sumigaw.

"Ang daya mo talaga kahit kailan Sav! Nakakainis ka." Nakanguso na sabi nya.

Natawa nalang ako at nag babye na sa kanila.

Bumuntong hininga pa si Lexi bago tuluyang sinara ang bintana ng odyssey nya at pinaharurot na ito.

Habang papasok ako ng bahay ay iniisip ko kung paano nga ba talaga ako naging fan ng BE.

Actually kaya hindi ako nakasagot kanina ay hindi ko talaga alam kung paano ako naging fan.

Sa kakaisip ko ay hindi ko na namalayan na nalampasan ko na pala si mommy na nakaupo sa sofa at agad akong lumapit sa kanya para humalik.

"Good evening mommy! Sorry po akala ko kasi tulog na po kayo. Alas dies na din po kasi." Sabi ko sabay upo sa tabi nya.

"Kelan ba ako nakatulog ng wala ka pa Avery?" Medyo masungit na sabi ni mommy. Nainis na yata dahil nakailang tawag sya sakin.

"Sorry na po mommy. May iniisip lang po kasi ako." Natatawang sabi ko.

"Halata nga. Ano ba yang iniisip mo?" May kuryosidad sa mga mata nya.

"Di naman po masyadong malalim ang iniisip ko mommy. Wag po kayong mag alala." Pag aassure ko sa kanya.

Bigla nyang hinaplos ang buhok ko. "You know you can always open up with me right? Wag kang mahihiya sakin anak. I'm always willing to listen."

"I know mommy. I know. I will always be the girl who opens up with you about everything. Pero promise po yung iniisip ko hindi naman sya problema." Nakayakap na sabi ko kay mommy.

"That's good. Btw kasama nyo ba si Brent kanina?"

"Uhmmm hindi po mommy. Busy po talaga si Brent ngayon kaya madalang na po kaming magkita." Pag sisinungaling ko.

"Ganon ba? Miss ko na rin yung lalaking yon e. But I understand how busy a businessman is. Just always understand and support him like what I did with your dad." Nakangiting sabi nya.

"Yes mommy! Thank you for always being my guardian angel and for always teaching me what should I do to be a better person like you. I love you." Sabay halik ko sa pisngi nya.

I always wish to be like my mom. She has the purest heart in the world and I admire her for that.

"That's my girl. You are always welcome my princess. You better go up. Kanina ka pa din inaantay ng kuya mo. Daanan mo muna sya dahil for sure hindi parin tulog yon. Goodnight. I love you." Sabi nya sabay halik sa noo ko.

"Goodnight mommy! Sunod ka na din po ah?" Sabi ko habang nag uumpisa ng mag lakad paakyat. Nakita ko lang syang tumango at ngumiti.

Just Your FanWhere stories live. Discover now