Prologue

38 5 0
                                    

Hindi na kami mapakaling mag kakaibigan dahil ngayon na yung araw ng concert ng pinakapaborito naming boy band.

"Sav okay na ba tong suot ko? Maganda na ba? Mapapansin na ba ako ni Caleb dito?" Tanong ni Lexi habang nag poposing na parang model.

"You know what Lexi maganda naman talaga yang suot mo at maganda ka rin pero sa dami ng mga fans nila for sure di nila tayo mapapansin." Prankang sabi ko sa kanya.

Sa totoo lang miski ako nag paganda talaga ng bongga dahil isa rin ako sa mga fans na umaasang mapapansin nila. I wear a white spaghetti crop top,white high waist miniskirt with leather belt, crop top denim jacket and I paired it with my white sneakers. I put on my big hoop earrings, light make up and a messy bun then boom I'm ready to go.

"Alam mo Lexi tama si Sav. Kahit anong pag papaganda natin dito di talaga nila tayo mapapansin." Nakapout na sabi ni Amara.

"Alam nyo ang drama nyo na. Masisira yang make up nyo! Tara na nga dahil baka mahuli pa tayo sa concert lalong wala na tayong chance mapansin." Sabi ko habang sinusukbit ang bag ko.

Nagpahatid nalang kami kay Manong Rolly at saktong sakto ang dating namin sa venue dahil may pagkakataon pa kaming bumili ng merch nila.

Kanya kanya kaming kuha ng tshirts, stuff toys, bags at kung ano ano pang pwede naming mabili at pangdagdag collection. Syempre nilagay muna namin sa sasakyan lahat ng pinamili namin dahil for sure di kami mag eenjoy kung bitbit namin lahat yon. Pagbalik namin ay nagpapapasok na at kapag siniswerte ka nga naman talaga sa pinaka harap at centro pa kami nakapwesto.

"Sobrang ganda ng spot natin kitang kita talaga nila tayo." Kinikilig na sabi ni Lexi.

"Kaya nga e! Mukhang may pag-asa na akong mapansin ni cole." Sabi ni amara na akala mo mahihimatay na.

"Ewan ko sa inyong dalawa para talaga kayong mga baliw." Sabi ko na umiiling pa.

"Hay nako Sav! Tigilan mo nga kami sa ganyan Mo. Kunwari ka pa e kung pwede nga lang na akyatin mo na yang stage ay ginawa mo na makalapit ka lang kay Dylan." Sabi ni Lexi na parang highblood na.

"Oo na! Okay na? Galit na galit ka naman masyado. Kaya nga ako ganito kasi hindi na ako mapakali at hindi rin ako makahinga sa kaba at excitement." Sabi ko habang natatawa at hinihimas ang likod ni Lexi.

Maya maya lang ay bigla ng nagcountdown at sabay sabay na kaming nag tiliang lahat. Kanya kanyang tilian ng mga bias ang mga tao dito sa coliseum at lalo kaming nawindang ng isa isa na silang lumabas. Ang gwapo nila lahat pero syempre mas gwapo yung pinakakamahal kong Dylan Elliott.

Nagsimula na silang mag perform at lahat kami ay sumasayaw, kumakanta, nagtatatalon at nag wawagayway ng light stick. Sobrang saya ko. This is my first concert na inattendan and sobrang saya at sulit.

Habang nag aantay kami ng next performance nag pahinga muna kaming tatlo dahil kakasimula palang pero yung energy level namin nasa kalahati na agad.

"Grabe talaga si Caleb! Sobrang sexy nya gumalaw at sobrang gwapo pa!" Sabi ni Lexi habang habol habol ang hininga dahil sa kahingalan.

"Kaya nga e! Si cole naman yung mga titigan halos makalagot ng hininga at naglilipbite pa!" Sabi naman ni Amara na sobrang lawak ng ngiti at pag papantasya.

"Sobrang gagaling nga nilang lahat grabe at ang gagwapo pa pero syempre alam nyo na kung sino ang nangunguna sa puso ko. Walang iba kundi si Dylan my loves." Sabi ko na yakap yakap ang sarili.

"Maka Dylan my loves ka dyan e di ka nga mapansin pansin." Sabi naman ni Lexi na nang aasar.

"Alam mo basag trip ka noh? Yabang mo ikaw rin naman di napapansin." Sabi ko na iniirapan si Lexi at ang bruhang Lexi ay tinatawanan lang ako.

Habang nag aasaran kami ay bigla kaming nagulat ng si Dylan na yung lumabas at nagsimulang kumanta. Nanginginig yung kamay ko habang binivideohan ko sya. Sobrang ganda talaga ng boses nya at sobrang gwapo nya na para syang anghel. Sinasabayan lang namin sya kumanta at nagulat nalang ako na nasa harapan ko na sya at nakatingin sa cellphone ko. Halos hindi ako makagalawa. Parang kaming dalawa na lang yung tao dito sa loob ng coliseum. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Totoo ba to? O nananaginip lang ako? Hindi ako makapaniwala na mapapansin ako ng isang Dylan Elliott Lee at kakantahan ako harap harapan.

Hindi pa ako nakakabalik sa kantinuan ng bigla nyang kunin ang cellphone ko at bigla syang nag selfie doon na kasama ako. After nya mag picture ay binalik nya rin agad sa akin ang cellphone ko. Halos lahat ng tao sa coliseum ay nag sisigawan dahil sa kilig, tuwa at inggit. At ang puso ko ay hindi mag kamayaw sa tuwa.

Umalis si dylan sa harap ko at pumunta sa ibang bahagi ng stage para makita nya ang ibang fans at nung patapos na yung kanta nya ay bumalik ulit sya sa pwesto ko.

Take my hands now
You are the cause of my euphoria.

Habang binibitawan nya ang katagang yan nakatitig sya sa mga mata ko at tinuturo nya ako sabay kindat at biglang namatay ang ilaw.

"Girl ikaw na!! Ang ganda mo napansin ka ni dylan." Sabi ni amara habang niyuyugyog ako.

"Nakakainggit ka Sav!! Tinuro ka pa at kinindatan. Samatalang parehas lang naman tayo ng make up brand na gamit pero ako di parin napapansin ni Caleb!" Sabi ni Lexi na nagpapapadyak at nakanguso.

Hindi na ako nakapag salita dahil wala ng tumatakbo sa isip ko kundi yung nang yareng scene kanina. Hanggang sa matapos ang concert ay wala na ako sa sarili dahil sa sobrang saya ko. Sino ba namang hindi magiging masaya kung napansin ka ng idol at ideal man mo? Naglalabasan na kaming lahat at derederetso na sana akong lalabas ng coliseum ng bigla akong hatakin ni Amara.

"Alam mo Sav bangag ka na nga. San ka pupunta?" Tanong ni amara na natatawa.

"San pa ba edi uuwi na." Sabi ko naman na ngiting ngiti.

"Ayon bangag na nga. Girl baka nakakalimutan mo may high touch pa tayo. Makakalapit pa tayo sa kanila!" Sabi naman ni Lexi na talon ng talon.

"Hala oo nga pala. Mag retouch muna tayo baka sobrang haggard ko na." Sabi ko na natataranta.

Nakalimutan ko na kasama pala kami sa 20 na taong maswerte na makakasama sa high touch. May chance pa akong malapitan at mahawakan si Dylan.

Pagkatapos namin magretouch ay dumeretso na kami sa conference room at naghintay dahil nag aayos pa sila. Nang dumating sila ay kanya kanya na kaming kuha ng picture at nag umpisa na ang high touch.

Sobrang kaba ko na dahil kami na yung sunod at ako yung pinaka huli. Pinaakyat na kami sa stage at nakipag high five na sa kanila at nang dumating na ako kay Dylan ay naghighfive kami and nagulat ako na may papel sa pagitan ng kamay namin. At nung ibaba ko na yung kamay ko nilagay nya sa kamay ko yung papel and nag mouth sya ng "keep it" so tumango nalang ako kahit naguguluhan ako. Pag baba namin ng stage pinasulat yung full name namin at contact number sa isang papel for record purpose daw bago kami pinalabas ng conference room.

"Sobrang saya ko! Nahawakan ko si Caleb at nakapag eye to eye kami and guess what ngitian nya ako!!" Sabi ni Lexi na parang kinukuryente.

"Ako din Lexi. Mahihimatay ako sa titig ni Cole at sa higpit ng kapit nya sa kamay ko." Sabi naman ni Amara habang amoy amoy ang kamay.

"I'm so happy na masaya kayong dalawa and syempre masaya din ako dahil sobrang dami kong moments kay Dylan." Sabi ko na nag tititili din.

Habang nag kakasiyahan kami sa sasakyan ay biglang tumunog yung phone ko.

From:Unknown.
I think I found my euphoria.

Nang mabasa ko yung text ay hindi ako makahinga at makagalaw kaya dali dali kong kinuha yung papel na binigay sakin ni Dylan na nailagay ko pala sa bag dahil sa kalituhan ko at lalong di ako makapaniwala sa nabasa ko.

" I think i found my euphoria. Text me beautiful."

Nakasulat ang Number nya sa baba at yung number na nag text sakin ay parehas.

Anong ibig sabihin nito? Nananaginip ba ako?

Just Your FanWhere stories live. Discover now