Chapter 12

8 3 1
                                        

Pagkatapos namin kumain ay nag libot libot pa kami at ng tuluyan na kaming mapagod ay napagdesisyonan na naming umuwi.

Habang nasa sasakyan kami ay panay ang kwentuhan namin ng maalala ko na hindi ko pa pala nakikwento sa kanila ang pa eye to eye namin ni Dylan.

"I have something to say."

"Ano yun Sav? May problema ba?" Tanong ni Lexi.

"Oo nga. Is there something bothering you?" Nag aalala namang tanong ni Amara.

Natawa naman ako. "Ngayon ko lang napatunayan na OA nga talaga kayo. Walang akong problema."

Umirap naman si Lexi. "So ano nga? Pabitin ka pa e."

"So ayun na nga. Nung pumunta tayo sa Bright Entertainment kahapon diba nakita natin yung BE? Tapos ano nag ka eye to eye kami ni Dylan pero sandali lang talaga." Nahihiyang sabi ko.

Katulad nga ng inaasahan ko ay nag tititili nga silang dalawa.

"Grabe Sav!! Ang swerte nyo ni Lexi. Sana ako din mapansin na ni Cole." Panay ang yugyog sakin ni Amara.

"Mukhang eto na talaga yung tamang oras at lugar para mapansin nila tayo." Sabi ni Lexi na kinikilig pa.

"Siguro nga! Sobrang saya ko talaga kaya wala ako sa sarili kahapon. Nako Amara mapapansin ka din nyan ni Cole. Tiwala lang." Taas babang kilay na sabi ko sa kanya.

Pagkadating namin sa suite ay nagpasya na akong maligo dahil yung dalawa ay mukhang wala pang plano at panay ang cellphone.

Nang matapos ako ay agad na sumunod yung dalawa at pagkatapos nila ay tumabi na rin sila sakin.

"Are you ready for tomorrow Sav?" Tanong ni Lexi.

"Actually I'm ready but I'm a little bit nervous. Eto na kasi yung inaantay ko mula noon na makilala ako sa buong mundo. Sana lang mahalin nila yung mga pinaghirapan kong designs."

"Wag kang mag alala Sav! Alam kong mamahalin nila yung gawa mo dahil nanggaling talaga yun dyan." At agad tinuro ni Amara ang parte ng dibdib ko kung nasaan ang puso ko.

I gave my whole heart and passion just to make those designs.

At sana talaga maraming pumunta bukas sa opening ng boutique ko.

Patulog na sana kaming tatlo ng biglang mag pop up ang notification na may post daw si Caleb.

At ng tingnan namin ito ay may hawak na cake si Caleb at ang background nito ay ang painting na ginawa ni Lexi.

Nagulantang din kami sa pacaption nya na

"Happjest birthday to me! Thank you BEES for all your love and greetings. Borahae 💜 But most specially I'm so very thankful for Reveûse for this wonderful painting and cake. I hope to see you soon."

Kaya eto namang si Lexi ay parang bulate na binuhusan ng asin.

"Oh ayan na Lexi. Gusto ka ng makita baka naman mag pakita ka na. Masyado kang pamisteryoso." Pang aasar ko sa kanya.

"Oo nga Lexi magpakita ka na. Tsaka May pa cake ka pa ha. Iba na talaga ang tama mo kay Caleb." Sabi ni Amara habang tinutusok ang tagiliran ni Lexi.

"Well alam nyo naman na malala na talaga ang pag mamahal ko para kay Caleb at sobrang thankful ako kay Lincoln kasi kung wala sya ay hindi ko mapapadala ang cake at ang regalo ko. Pero grabe lang talaga yung swerte ko ngayong araw noh? Lahat pala ng pag hihirap ko noon ay magiging worth it na ngayon." Sabi ni Lexi na halos mapunit na ang labi sa sobrang saya.

Just Your FanWhere stories live. Discover now