Chapter 19

4 2 3
                                    

Ngayon na ang last day ng fashion week at hindi na kami mapakaling tatlo dito sa Boutique.

Grabe yung kabang nararamdaman ko dahil pagkatapos rumampa ng mga models ay rarampa rin kaming mga designers at tatabi samin ang models habang suot suot ang design na ginawa namin.

Abala pa kami sa pag-aasikaso ng mga dadalhin ng kumatok si Jeong Shi at dumiretso na sa table ko para ilagay ang paper bag.

Oo tama kayo ng naiisip. May pagkain nanamang pinadala sakin.

Nakakatuwa lang isipin na sobrang sipag at ang effort din talaga ng nagpapadala sakin dahil simula ng magumpisa ang fashion week ay wala syang palya na gawan ako ng breakfast at magpaabot ng bulaklak sa tuwing tapos na ang fashion show.

Kelan kaya magpapakilala ang taong nasa likod ng lahat ng to?

Gustong gusto ko na syang makita dahil napapasaya nya ako at napapagaan nya ang loob ko.

Ang sarap pala ng ganitong feeling noh? Na merong taong nakakaappreciate sayo na hindi mo kalahi at kakilala.

Nawala ang pagiisip ko ng biglang magsalita si Amara.

"Walang palya yung nag papadala sayo ah? Baka mamaya may gayuma na pala yan."

"Sinabi mo pa. Mukhang nababaliw na nga si Sav dahil ngumingiti na mag-isa." Gatong pa ni Lexi.

Umirap naman ako. "Alam nyo gutom lang yan. Tara na nga at kumain nalang tayo."

Nang marinig nila ang sinabi ko ay parang bata silang nagmamadaling tumakbo palapit sakin.

Araw araw din nilang inaabangan to kaya nga hindi na kami kumakain sa hotel dahil alam naman daw nilang may magpapadala ng pagkain at mas masarap daw ito.

Mabilis lang namin naubos ang pagkain at bumalik na ulit kami sa pag-aayos ng mga gamit ng biglang tumawag si Kuya Tristan.

"Hey there Avery! How are you?" Tanong nya sakin mula sa kabilang linya.

"I've been doing great kuya! Medyo busy lang kami ngayon kasi inaayos na namin yung mga gamit na dadalhin. Btw how's mom and dad?" Tanong ko sa kanya kahit busy parin ako sa pag-aayos ng mga gamit.

"They are doing great Avery! We really miss you here. Walang masungit dito." Pang-aasar naman nya sakin.

Kinontra ko naman ang sinabi nya. "Sus wala daw masungit e for sure kaya ka tumawag kasi miss na miss mo na ako dahil wala yung pinaka maganda at malambing mong kapatid."

Bumuntong hininga naman sya. "Well I think I'm defeated! Oo na sobrang miss na talaga kita Avery! Kaya bumalik ka na dito agad. Goodluck and I know you will do great today. I love you."

"Oo kuya uuwi ako agad pagkatapos neto. I love you too and I miss you so much." Sabi ko sabay pinatay na ang tawag.

I feel emotional right now. Iba pala talaga kapag malayo ka sa pamilya mo noh? Kahit gaano ka pa katatag at kabusy ay makakaramdam ka rin ng lungkot.

At ngayon ramdam ko yung lungkot dahil malungkot din si Kuya Tristan. Never kasi talaga kaming nagkalayo ng ganito katagal kaya siguro medyo emotional sya ngayon.

Nagpatuloy lang kami sa pag-aayos ng mga gamit at ng matapos kami ay pumunta kami agad sa venue dahil may final practice pa.

Nilapag lang namin ang mga gamit sa backstage at nagsimula na ang practice.

Naunang rumampa ang mga models gamit ang mga designs na gawa namin at nang matapos sila ay kami naman ang rumampa at pagkatapos ay bumalik ulit ang mga models para tabihan kami.

Just Your FanWhere stories live. Discover now