Chapter 16

10 3 2
                                    

Sa paglipas ng anim na buwan ay mas naging abala ako sa boutique dito sa Pilipinas, Korea at New York.

Tatlong buwan na simula ng buksan ko ang boutique ko sa New York at sobrang nakakatuwa na marami ang taong nag mamahal sa mga ginawa ko.

Nung nakaraang buwan din ay nag simula na ang construction ng mga boutique ko sa France at Las Vegas.

Hindi ko inaasahan na magiging ganito kabilis ang pag papatayo ko ng boutique sa iba't ibang bansa.

At ngayong buwan ay nakaschedule na ang pag punta ni Mr. Wang at Angela sa Macao, Singapore, San Francisco, Europe at Japan para imeet ang mga Land Brokers ng pag tatayuan ko ng boutique.

I would like to be there kaso lang ay concert na ng BE dito sa Pilipinas bukas at busy din ako sa pag gawa ng design dahil naimbitahan ang SL Apparel maging part ng Fashion week na gaganapin sa Korea.

Kahit naman busy ako ay hindi ako nawalan ng oras para magpaka fangirl sa BE.

Busy ako sa paggawa ng design ng biglang iluwa ng pinto sina Lexi at Amara na may dalang luggage.

"Anong meron? San punta nyo?" Nagtatakang tanong ko.

"Anong saan pupunta? Malamang dito sa inyo. Dito kami matutulog e." Sabi ni Lexi habang pinapasok ang luggage nya.

"Matutulog lang kayo dito tapos luggage talaga yung dala nyo?" Naguguluhang tanong ko.

Humagalpak naman ng tawa si Amara. "Sorry na Sav. Hindi kasi kami makapamili ng susuotin kaya dinala na lang namin yung mga bagong damit na binili namin."

Napahawak naman ako sa sentido ko.

Minsan hindi ko na kinakaya ang pagiging OA ng dalawang to.

"Alam nyo ipapaalala ko lang na concert yung aattendan nyo hindi kayo mag aout of the country." Naiiling na sabi ko.

"Alam mo ang dami mo ring sinasabi e ikaw din naman." Sabi ni Lexi sabay nguso sa mga damit ko na nakakalat sa kama.

Nagkatinginan kaming tatlo at sabay sabay na lang natawa sa kabaliwan namin.

Ngayon napatunayan ko na kung bakit tumagal ang pagkakaibigan namin dahil pareparehas kaming mga OA.

"Syempre kailangan nating maging maganda bukas dahil eto na ang pag kakataon natin na mag papansin sa BE." Sabi ni Amara at isa isang binalik ang mga gamit ko sa walk in closet.

Tumango tango naman si Lexi. "Oo nga Sav! Kaya matulog na tayo dahil kailangan na nating mag beauty rest."

"Sige na mauna na kayo tapusin ko lang tong ginagawa ko."

Nakita ko naman na dumiretso na yung dalawa sa kama at nag skin care pa para naman daw fresh sila bukas.

Hindi rin nag tagal ay tumabi na din ako sa kanila para matulog.

Pagkagising namin ay kumain lang kami at bumalik na din agad sa kwarto para mafinalize na namin yung damit na susuotin namin.

Nang mag alas tres na ay nag pasya na kaming mag prepare.

"Sav okay na ba tong suot ko? Maganda na ba? Mapapansin na ba ako ni Caleb dito?" Tanong ni Lexi habang nag poposing na parang model.

"You know what Lexi maganda naman talaga yang suot mo at maganda ka rin pero sa dami ng mga fans nila for sure di nila tayo mapapansin." Prankang sabi ko sa kanya.

Sa totoo lang miski ako ay nag paganda talaga ng husto dahil isa rin ako sa mga fans na umaasang mapapansin nila.

I wear a white spaghetti crop top,white high waist miniskirt with leather belt, crop top denim jacket and I paired it with my white sneakers. I put on my big hoop earrings, light make up and a messy bun then boom I'm ready to go.

Just Your FanWhere stories live. Discover now