Chapter 1

27 5 2
                                    

Sobrang excited ko ngayong araw dahil may date kami ni Brent. Namiss ko sobra ang lalaking yon. Medyo naging busy din kasi sya dahil sa mga business trip nila out of town kaya ngayon ay babawi sya.

I choose to wear a cream slinky ruched tie strap bodycon dress. I paired it with my dusty blue block heels and a silver pouch. Nag lagay lang ako ng light make up at hinayaan ko lang na nakalaylay ang aking buhok. Nang makuntento na ako sa ayos ko ay agad na din akong bumaba.

"Avery where are you going?" Sabi ni kuya Tristan habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

"May date kami ni Brent kuya. Okay lang ba yung suot ko?" Nag aalangang tanong ko sa kanya.

"Ah ganon ba? Magpahatid ka nalang kay Manong Rolly para hindi ka na rin mahassle and yes maganda ang suot mo my little Avery. You've grown too fast." Sabi ni kuya Tristan habang hinahaplos ang buhok ko at hinalikan ang ulo ko.

"Hay nako kuya ang drama mo nanaman. Kahit naman malaki na ako I'm still your little Avery but please stop calling me Avery na." Sabi ko sa kanya ng naka pout.

"At bakit naman? Ang ganda ganda kaya ng Avery." Sagot nya sakin na tila naiinis.

"E kasi naman kuya pang bata yung Avery. Grown up woman na po ako mas maganda kung Savannah na yung itawag mo sakin or Sav. Oh diba mas dalaga pakinggan." Sabi ko sakanya habang nag lalakad kami palabas ng pinto at yakap yakap ko ang braso nya.

"Dalaga nga pakinggan but I still want to call you Avery. I'm your kuya and you can't do anything about that. You better go dahil mamalate ka na sa date mo." Sabi nya sakin habang pinag bubuksan nya ako ng pinto pasakay ng sasakyan.

"Ewan ko talaga sayo kuya. Ayaw mo ko pagbigyan." Sabi ko habang nakasimangot at ang mapang asar kong kuya Tristan ay nginitian lang ako.

Lagi syang ganyan. Everytime na sinasabi kong wag nya na akong tawaging Avery ay mas lalo nya akong tinatawag ng ganon. It's not just I don't like my second name but for me it's just a little bit childish. Pero gaya nga ng sabi nya wala naman akong magagawa don dahil sya parin ang masusunod. I know naman na panlalambing nya lang sakin yon and I'm so grateful na sya talaga ang kuya ko.

"Be home at 10pm okay?" Sabi nya sakin bago kami umalis ni Manong Rolly.

"Yes po uuwi ako ng 10pm. Bye kuya I love you." Sabi ko at kiniss sya sa cheeks.

Nag babye lang din sakin si kuya at umalis na kami ni Manong Rolly. Wala pang isang oras ay nakarating na kami sa isang floating restaurant dito sa taguig.

"Manong rolly wag nyo na po ako hintayin. Ihahatid din naman po ako ni Brent pauwi. Salamat po at ingat po kayo." Sabi ko kay Manong Rolly ng makababa na ako ng sasakyan.

"Sige ho maam savannah. Salamat ho at enjoy po kayo." Sabi ni Manong Rolly at agad ding umalis.

Pagpasok ko sa restaurant ay sinabi ko lang ang pangalan ko at agad din akong nilead nung babaeng staff kung saan yung table namin. Pag dating ko doon ay nakita ko agad si Brent na napakaganda ng ngiti at may dala dalang boquet ng sunflower.

"You always look beautiful babe." Sabi ni Brent habang binibigay sakin ang bulaklak at hinalikan ako sa pisngi.

"Thanks babe. You never failed to make me happy at alam na alam mo talagang eto ang favorite kong bulaklak." Sabi ko habang napakalaki ng ngiti at inaalalayan nya akong umupo.

Umorder na kami ng pagkain dahil medyo gutom na din kami. Habang nag hihintay kami ay nag kwentuhan lang kami about his business trip.

"How's your business trip babe?" Tanong ko sa kanya.

Just Your FanWhere stories live. Discover now