Chapter 17

7 3 2
                                    

Hanggang sa makarating kami sa bahay at makapasok sa kwarto ko ay hindi pa rin nagpaprocess ang utak ko.

Si Dylan ba talaga to?

Bakit nya kinuha ang number ko?

Baka hindi lang naman ako ang minessage nya?

Baka eto yung privilege ng mga fans na kasama sa high touch?

Pero bakit ako lang yung minessage e kasama ko rin naman yung dalawa sa high touch kanina?

Arghhhh! Dylan ano bang ginagawa mo sa sistema ko? Konti na lang talaga ay tatakasan na ako ng bait dahil sa dami ng tanong na tumatakbo sa utak ko.

"Ano na Sav? Lutang na lutang? Ano ba kasing sabi?" Tanong ni Lexi at inagaw ang phone ko.

Mabilis naman syang dinaluhan ni Amara at ng mabasa nila ang text ay sabay silang tumili habang tumatalon talon.

"I knew it! Si Dylan talaga to. Aren't you happy Sav? Eto na yung chance mo." Yugyog sakin ni Lexi.

"No doubt talaga ako na darating tong time na mapapansin ka ni Dylan!! So may pag asa pa tayo Lexi!" Sabi ni Amara at nagyakapan pa silang dalawa.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago umupo sa kama. "Masaya ako na nag text si Dylan sakin pero sobrang gulo ng utak ko dahil ang dami kong tanong."

Lumapit naman agad sila sakin at tinignan lang ako na tila nag hihintay sa susunod kong sasabihin.

"Hindi ko kasi alam kung bakit nya kinuha ang number ko. Ayoko mag assume dahil alam kong ako lang din ang masaskatan." Malungkot na sabi ko.

Anong ayaw mo mag assume? E asang asa ka na nga Sav!

Hinawakan naman ni Lexi ang kamay ko. "Alam mo Sav di mo naman kailangan mag assume. Just enjoy the moment."

"Ano man ang dahilan ni Dylan ay sya lang ang nakakaalam non. Wag ka nalang muna mag assume. Mag pasalamat ka nalang dahil bilang isang Fan ay malaking privilege na ang mapansin ka ng idol mo. Smile Sav! Tsaka replyan mo na si Dylan. Sayang ang chance." Malumanay na sabi ni Amara.

Tama nga naman sila.

Hindi ko kailangan mag isip ng kung ano ano at mag assume dahil for sure ay wala lang naman yon kay Dylan.

I need to enjoy this moment na napansin nya ako.

I think I need to know my limit because I am just your fan Dylan.

Mabilis na din akong nagtipa ng reply dahil ilang oras na rin ang nakalipas simula ng kumpirmahin nya na sya nga talaga si Dylan.

To: Dylan
Thank you Dylan for making all of us happy. Take care always and comeback here in the Philippines asap. Filobees misses you already.

Ilang ulit ko pang binasa ang text ko bago ko isend sa kanya ito.

Pagkamulat ng mata ko kinabukasan ay ang cellphone ko kaagad ang kinuha ko.

Nalungkot ako ng wala akong nakitang mensahe mula kay Dylan.

Sabi ko na nga ba part lang yon ng high touch at isa lang ako sa maswerteng Fan na nabunot.

Hindi ko alam bakit nag iinit ang ilalim ng mata ko at hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha ko.

Bakit kasi ako nag assume na higit pa sa pagiging fan ang tingin sakin ni Dylan?

Agad akong nagtungo sa banyo para pakalmahin ang sarili ko at nagpasya na rin akong akong maligo.

Pagtapos ko ay bumaba na rin ako at nag umpisa na kaming kumaing tatlo.

Pagtapos namin ay umuwi na din sila at ako naman ay naging busy sa paggawa ng designs.

Just Your FanWhere stories live. Discover now