Nagising nalang ako dahil sa ingay ng cellphone ko. Agad agad ko itong kinuha kahit di ko pa tuluyang namumulat ang mga mata ko.
Sino kaya tong tumatawag ng pagkaaga aga?
"Saaaaaaaaav!! Is this real? Fan ka na ng BE?" Nagtititili si Lexi sa kabilang linya.
Sumakit ang tenga ko dahil sa tili ni Lexi. Kahit kelan talaga tong babaeng to napaka ingay.
"Seriously Lexi? Alas siete palang ng umaga tumatawag ka na tas yan lang yung itatanong mo?" Naiiritang sabi ko sa kanya.
Paano ba naman kasi sobrang aga nyang tumawag. Tapos yun lang yung sasabihin nya? Imbis na mahimbing pa yung tulog ko ay nasira na nya.
"Sorry na Sav! Naexcite kasi ako. Nakita ko kasi na pinost mo yung picture ni Dylan." Humahagikgik na sabi nya.
"Hindi ako fan okay? Napogian lang ako sa kanya wag kang assuming dyan." Pag depensa ko sa sarili ko.
E hindi naman kasi talaga ako fan. Kapag ba napogian dun sa tao ay fan na agad? Hindi ba pwedeng naappreciate mo lang yung tao?
"Hay nako Sav! Napogian ka man or something for sure magiging fan ka din nila! You will love them easily lalong lalo na yang si Dylan!" Panay ang tili nya habang nag sasalita.
"Ewan ko sayo. Bahala ka mag isip ng kung ano ano dyan. Sige na dahil gusto ko pang matulog. Bye!" Mag sasalita pa sana sya pero agad ko na ding binaba yung telepono dahil for sure ay wala ng katapusan ang sasabihin niya.
Dahil sa hindi na ako makatulog ay nag pasya nalang akong bumaba para kumain.
Nang makababa ako ay wala ng tao sa kusina. For sure umalis na silang lahat dahil busy nanaman sila sa business namin.
Nagtimpla lang ako ng gatas at kumuha lang ako ng tinapay dahil wala akong gana. Di kasi talaga ako sanay kumain ng walang kasabay.
Nagpasya din akong mag exercise nalang muna dahil kailangan kong imaintain yung body ko dahil malapit na ang opening ng boutique sa korea.
Pagkatapos kong mag exercise ay nag pahinga lang ako saglit at nag pasya na akong magswimming. Habang inienjoy ko ang tubig sa pool ay biglang nag ring ang phone ko.
"Hi Amara! How are you?" Bati ko sa kabilang linya.
"I'm doing great. Btw me and Lexi are on our way there. We will pick you up." Humahagikgik na sabi nya.
"Are you serious? Bat ngayon lang kayo nag sabi?" Agad agad akong umahon sa pool.
"Sorry Sav. Si Lexi talaga ang may pakana ng lahat ng to. Bigla bigla nalang sumulpot sa bahay at sinabing aalis tayo at pupuntang tagaytay." Natatawang sabi nya.
"Kahit kailan talaga yan si Lexi. Sige na. I need to prepare. See you in a bit. Bye." Agad ko ding pinatay ang tawag at nagmadaling umakyat sa kwarto.
I choose to wear a white baggy sweat pants, a white sleeveless knitted crop top, I paired it with my white and grey air Jordan, I put on my necklace with my name curved on it and I just messy bun my hair.
Nang matapos akong mag bihis ay sakto naman na may bumusina sa labas. Kaya dali dali akong lumabas ng bahay at nakita ko na ang magandang odyssey ni Lexi at sumakay agad.
Namiss ko din tong sasakyan ni Lexi at namiss ko ang mga road trip namin.
Nang makapasok ako ay parang baliw nanaman yung dalawa na kumakanta ng kanta ng BE. Agad din namang hininaan ni Lexi yung sounds para magkarinigan kami.
"You are always beautiful Sav!! Nakakainis ka." Naka pout na sabi ni Lexi habang nagsisimula ng paandarin ang sasakyan.
"Kaya nga e. Everything you wear really suits you. Fashion icon ka talaga." Tumatango tango namang sabi ni Amara na nasa passenger seat.
![](https://img.wattpad.com/cover/247300765-288-k499900.jpg)
YOU ARE READING
Just Your Fan
FanfictionImagine the person you admire the most fell in love with you. You're just one lucky girl 'cause you caught the heart of the man that almost every girl wishes to have. Will you be happy? Will it become easy for you?