Chapter 9

7 3 2
                                    

Mabilis lang lumipas ang mga araw at bukas na ang alis namin papuntang korea.

Mauuna kaming tatlo nila Lexi at Amara dahil plano talaga naming mag gala sa korea at maabutan ang birthday ni Caleb.

Samantalang sila mommy, daddy, Kuya Tristan, at Angela ay sa susunod na araw pa pupunta dahil may mga kailangan pa silang tapusin.

Medyo busy ang lahat ng tao dito sa bahay dahil may pa family dinner kami mamaya. Actually si mommy talaga ang nag pumilit na maghanda para daw sa success ng boutique ko. Kahit ayaw ko ay wala na akong nagawa dahil sya rin naman ang masusunod.

Habang busy ako sa pag checheck ng mga gamit na dadalhin ko sa korea dahil mag tatagal kami doon ng isang buwan ay may kumatok.

Iniluwa ng pinto si mommy na napakaganda ng ngiti habang kasunod naman si daddy na nasa likod nanaman ang kamay.

Nakakaintimidate talaga tingnan si daddy kahit kailan.

"Okay na ba ang mga gamit mo para sa pag alis nyo bukas?" Nakangiting tanong ni mommy sabay upo sa kama.

Tumango naman ako. "Okay na po lahat mommy. Dinodouble check ko lang po lahat para sure na wala po akong maiiwan."

"That's great. Mukhang apaka dami naman ata ng dala mo anak?" Nagtatakang sabi ni daddy.

"Uhmmm mag stay po kasi ako sa korea for a month kasama sila Lexi and Amara. Para sana masupervise ko ng maayos yung boutique lalo na at kakabukas palang po. I know kaya naman po ni Angela na ihandle yung mga boutique dito sa pilipinas. Kaya kampante po ako na magiging maayos ang boutique dito habang nasa korea po ako."

"I'm so proud of you anak. You really love what you're doing and you're passionate about it. We are always here to support you." Maluha luhang sabi ni mommy.

"I'm happy for you anak. Napalaki ka talaga namin ng maayos at alam mo talaga kung anong gusto mo. I know one day you will achieve your dreams to conquer the world with your fashion. You are one step closer Avery! Do your 101%." Seryoso pero may ngiti sa labi na sabi ni daddy.

Agad akong lumapit sa kanila para yakapin sila.

Di ko napigilan ang pag tulo ng luha ko dahil sobrang saya ko na marinig sa bibig nila na proud sila sakin.

Yun naman kasi talaga yung gusto ko yung maging proud sila sakin and it's happening now and sobrang masaya din ako because I have the best parents in the world.

I really couldn't ask for more. I have a wonderful and happy family, I have a loving friends and most especially I'm doing what I love and I'm starting to conquer the world.

Pagkatapos ko silang yakapin ay may inabot sakin si daddy na box.

"Gift namin sayo anak. I hope you'll like it." Nakangiting sabi ni mommy habang nakayakap kay daddy.

"Di na po dapat kayo nag abala. Yung suporta nyo lang po ay ang pinaka magandang regalong natanggap ko. Pero thank you talaga dito mommy and daddy." Agad akong lumapit sa kanila para ikiss sila.

Pagkabukas ko ng regalo ay hindi ako makapaniwala.

They gave me a Tiffany and Co. 25mm square watch in 18k rose gold with diamonds na nag kakahalaga ng 6.7M.

"This is too much mom and dad. I don't deserve this. Sobrang mahal nito." Naluluhang sabi ko habang binabalik sa kanila yung regalo.

Just Your FanWhere stories live. Discover now