Chapter 5

11 3 2
                                    

Nang makauwi ako sa bahay ay dumiretso na agad ako sa kwarto dahil alam ko namang wala na si kuya at nasa opisina na sya.

Dahil sa bigat ng nararamdaman ko ay nag iwan lang ako ng mensahe kay Lexi at Amara.

To: Amara & Lexi
I need you both :(

Wala silang reply pero ng makalipas ang ilang minuto ay may kumakatok na sa pinto ko. I knew it was them. I can always count on my girls.

Agad agad akong tumakbo sa pinto at pag bukas ko ay bigla ko nalang silang niyakap. Hinayaan lang nila akong umiyak at wala akong narinig na kahit anong tanong o salita mula sa kanila pero alam kong alam naman na nila ang sagot.

Nang humapa na ang pagiyak ko ay iginaya na nila akong umupo sa kama. Tinignan lang nila akong dalawa at nakuha ko na agad ang ibig nilang sabihin.

"I saw Brent and Samantha earlier." Panimula ko.

"I saw how happy they are and how much he takes care of Samantha and the baby." Nangingilid luhang sabi ko.

Agad akong niyakap ni Amara.

"Cry it out Sav! Para mabawasan yung sakit na nararamadaman mo." Pag cocomfort sakin ni Amara.

"Tell us everything. We are here for you. We will do everything to make you feel better Sav." Nakayakap na sabi ni Lexi.

"It's hurts so bad. Seeing him with Samantha and the baby bump really breaks my heart. They are really having a baby. I thought if I would see them I would be happy but why do I feel this way. Bakit sobrang sakit? Akala ko kasi okay na ako. Akala ko unti unti na akong nakakalimot but I was wrong. Nandito parin yung sakit. Sariwang sariwa parin yung sugat na iniwan nya. Ang sakit sakit lang kasi nakikita ko syang okay na samantalang ako eto parin. Nandito parin ako mahal na mahal sya kahit sobra na yung sakit na binibigay nya. I'm not really ready to let Brent go!!"

"Hindi mo naman kailangan madaliin lahat Sav. Take your time. Matagal talaga magheheal yang sugat sa puso mo dahil sobrang tagal din ng panahon na minahal mo sya. Wag kang mag alala darating din yung lalaking hindi ka sasaktan at mamahalin ka higit pa sa pag mamahal na ibinigay mo kay Brent kasi that is what you deserve. You are very precious and worth it." Sabi ni Amara na medyo naiiyak na.

"Ang mahalaga naman kahit nasasaktan ka ay ginawa mo yung tama.We know that you really don't deserve this kind of pain but I know that this will make you more stronger Sav! I'm so proud of you kasi kahit alam kong mahirap yung desisyon mo na isuko yung taong mahal na mahal mo ay ginawa mo parin para mabuo sila at para sa ikasasaya nila. Sobrang tapang mo nga e kasi hindi mo inisip yung sarili mo at hinayaan mong kunin ng iba yung taong nagpapasaya sayo." Sabi naman ni Lexi na kunwaring hindi naiiyak pero kanina pa singhot ng singhot.

"I really want this pain to end kasi gusto ko na ulit sumaya. Pagod na pagod na din kasi talaga ako. Pinipilit ko nalang maging masaya para hindi na mag alala si kuya pero di ko na kayang mag kunwari. Sobrang bigat na dito." Sabay turo sa puso ko.

"You are brave Sav! Alam namin na kayang kaya mo to. Mahirap pero we will do our best na makamove on ka." Sabi ni Lexi habang hinihiga ako sa kama.

"You better take a rest Sav! Masyado ka ng pagod sa mga nangyare ngayong araw. Dito lang kami ni Lexi sa tabi mo. Di ka namin iiwan." Sabi ni Amara sabay halik sa noo ko.

"Thank you so much girls! I don't really know what to do if you are not here. I really owe you a lot." Sabi ko sabay pumikit na ng mata.

Nagising ako ng maramdaman kong kumalam na ang sikmura ko. Pagtingin ko sa oras ay nagulat ako dahil alas onse na pala ng gabi. Kaya pala mahimbing na ang tulog nung dalawa dito sa tabi. Feeling ko kaya di na nila ako ginising kanina dahil gusto talaga nila akong makapagpahinga. I'm really grateful for this girls. Laging yung ikakabuti ko yung iniisip nila.

Just Your FanWhere stories live. Discover now