Nagmamadali akong kumilos dahil ngayon na ang dating nila mommy at daddy.
I miss my parents so much and I can't wait to see and hug them.
Bumaba rin ako agad dahil for sure ay nag hihintay na sakin si kuya.
Nang makita nya ako ay agad na din syang tumayo.
"Good morning Avery! Let's go. Nag dala na ako ng almusal para sa sasakyan ka nalang kumain."
"Thanks kuya! Napaka sweet mo talaga. Kaya mag girlfriend ka na." Pang aasar ko sa kanya.
"Ang aga aga Avery nang aasar ka nanaman" Sabay lakad palabas ng bahay at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan.
Habang nasa sasakyan kami ay wala parin akong tigil sa pang aasar sa kanya.
"Sige na kuya mag girlfriend ka na. Gusto ko na mag karoon ng ate." Nakapout na sabi ko sa kanya.
"Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo Avery na wala pa sa isip ko yan." Naiinis na sabi nya.
"E bakit naman wala? 25 ka na kaya. Ang tanda mo na nga e."
"You are still my priority Avery. Mawawalan lang ako ng time sa girlfriend ko dahil ikaw parin ang laging uunahin ko. Kailangan ko munang makitang okay ka, masaya ka at kaya mo ng mag isa. Baka sa panahon na yon pwede na akong mag girlfriend." Seryosong sabi nya.
Di ko napigilan ang sarili ko na mapaluha. Sobra talaga yung pag mamahal sakin ni kuya Tristan. Ako yung laging inuuna nya.
How many times I've already said this word but I will not get tired saying that I have the best kuya in the world and I'll be forever grateful for him.
I may not lucky in terms of love life but one thing is for sure I am very lucky with my family, friends and most especially with kuya Tristan.
Nang makarating kami sa airport ay pumasok na kami sa loob at naghintay sa waiting area. Wala pang 30 minutes ay nakita ko na sila mommy at daddy. Nagmamadali akong tumayo at tumakbo sa kanila habang si kuya naman ay nakasunod sakin.
"I miss you so much mom and dad." Sabi ko habang yakap yakap sila ng maghigpit.
"We miss you too our little Avery!" Sabi ni mommy na panay ang halik sa ulo ko.
"Lalo kang gumaganda anak. Kamukhang kamukha mo talaga ang mommy mo." Pambobola pa sakin ni daddy.
"Hay nako daddy wala akong pera ngayon." Natatawang sabi ko.
Agad ding yumakap si kuya sa kanila.
"We miss you so much Tristan. Thank you for taking care of the company and Avery!" Sabi ni mommy na medyo nagiging emotional na.
"Thank you son for everything. I can always count on you. I'm so proud of you." Sabay tapik ni daddy sa balikat ni kuya.
"You are always welcome mom and dad. You know I'll always do everything for our family." Sabi ni kuya sabay halik kay mommy at yakap kay daddy.
Napabuntong hininga naman ako. "Alam nyo ang dadrama nyo na. Isang buwan lang naman tayong di nagkita. Tara na at kanina pa kumakalam ang sikmura ko."
"Kakakain lang nyan pero gutom nanaman." Naiiling na sabi ni kuya.
"Bakit ba kuya? Alam mo naman na laging gutom yung mga alaga ko dito." Sabay turo sa kumakalam kong sikmura.
"Halika na baka mag talo nanaman kayong dalawa." Sabi ni daddy habang natatawa.
Nag pasya kaming kumain sa Filipino Cuisine Restaurant dahil namiss daw nila mommy at daddy ang mga pagkaing pinoy.
YOU ARE READING
Just Your Fan
FanfictionImagine the person you admire the most fell in love with you. You're just one lucky girl 'cause you caught the heart of the man that almost every girl wishes to have. Will you be happy? Will it become easy for you?