Chapter 2

24 4 2
                                    

Nang magising ako ay parang gusto ko na lang matulog ulit. Sana panaginip na lang lahat nang nangyare kagabi. Hindi ko namalayan na umiiyak nanaman pala ako. Sobrang sakit ng ginawa sakin ni Brent. Hindi ko alam kung paano ako makakamove on.

Biglang pumasok si kuya na may dala dalang pagkain.

"Good morning my little Avery! I cook breakfast for you. Eto ang niluto ko dahil alam kong favorite mo to." Sabi nya habang papalapit sakin na dala dala ang tray na may fried rice,tocino,bacon,milk at apples.

"Thank you kuya pero wala akong ganang kumain." Sabi ko na nagpupunas ng luha at bumalik na sa pag higa.

Nakita kong nilapag nya yung tray ng pagkain sa side table ko at lumapit sakin.

"My little Avery you need to eat. Magkakasakit ka kapag hindi ka kumain." Sabi nya habang pinipilit akong tumayo.

"Kakain nalang ako kuya kapag may gana na ako. Gusto ko lang mag pahinga at mapag isa." Sabi ko habang pinipigilan ko ang pag iyak.

Ayaw kong makikita niya akong nasasaktan at umiiyak dahil alam kong mas doble yung sakit na nararamdaman nya.

Naalala ko yung sinabi nya sakin kagabi bago sya lumabas ng kwarto ko. Lalo akong naiyak at sobrang bigat ng dibdib ko dahil alam kong pati ang kuya ko ay nahihirapan at nasasaktan dahil sa sitwasyon ko.

"Please Savannah Avery kahit konti lang kumain ka. Kailangan malagyan yang tiyan mo at hindi mo kailangang mapag isa dahil nandito ako. Handa akong makinig sayo. Sasamahan ka ni kuya." Sabi nya na unti unting hinahaplos ang buhok ko.

Bigla akong umayos ng pagkakaupo at niyakap sya. Hindi ko na napigilan ang pag labas ng mga luha ko.

"Sobrang sakit kuya! Hindi ko alam kung paano matatapos to. Apat na taon kaming nagsama. Simula college sya na yung kasama ko. Sya yung takbuhan ko. Sya yung lakas ko tuwing nanghihina ako. Nasanay na akong lagi syang nandyan sa tabi ko. Hindi ko na alam paano ako magsisimula ulit." Sabi ko habang iyak parin ng iyak.

"Ano ba kasing nangyare?" Sabi ni kuya habang hinahagod ang likod ko at alam kong naguguluhan na din sya.

Ayaw ko na sanang iopen up ang nangyare dahil mas masasaktan nanaman ako pero kailangan kong sabihin kay kuya ang lahat dahil alam kong naguguluhan na sya.

"Nabuntis nya yung Ex nya. Hindi ko akalain na magagawa nya sakin yon. Minahal ko sya ng buong buo kuya. Sobrang sakit kasi okay naman kami e. Masaya kami sa isa't isa. Kaya hindi ko alam kung pano nya nagawa sakin yun at kung paano nya ako pinag mukhang tanga. Nabaliwala lahat ng pinagsamahan namin ng apat na taon. Lahat ng pangarap namin wala na. Hindi ko talaga alam kung paano ako makakamove on. Sobrang hirap at sobrang sakit na kuya!!" Sabi ko na panay na ang hikbi.

"You don't deserve him my little Avery. Kuya will do everything to help you move on. I know it will not be easy and it will take time but I know you will. Matapang ka Avery. Alam kong kaya mo yan. Kasama mo ako. Nandito ako para sayo. Sasamahan kita hanggat sa maging buo ka ulit. Papasayahin ka ni kuya. I love you my little Avery!" Sabi nya sakin habang panay parin ang hagod sa likod ko at halik sa ulo ko.

"Thank you so much for everything kuya. Thank you for making me feel better and for making me happy. I love you so much." Sabi ko sa kanya habang kumakalas sa pagkayakap at nag pupunas ng luha.

Buti nalang nandito si kuya Tristan para tulungan ako. He's always sweet and caring to me. Kaya hindi ako takot mag open up sa kanya dahil alam kong hindi nya ako iiwan. Sobrang swerte ko talaga na sya yung kuya ko.

Habang nag pupunas ako ng luha ay kinuha na ulit ni kuya Tristan yung tray ng pagkain at inilapag sa harap ko.

"Kumain ka na muna Avery kailangan mong maging malakas. Hindi mo pwedeng pabayaan yang sarili mo." Sabi ni kuya na hinihimay himay na yung pagkain ko.

Just Your FanWhere stories live. Discover now