Isang buwan na ang nakalipas simula ng matapos ang fashion week pero nandito parin kami sa Korea nila Lexi at Amara.
Hindi kami nakauwi dahil kabi-kabilaang guestings,commercials at promotions ang ginawa namin.
As far as I can see sobrang nag eenjoy si Amara sa ginagawa nya.
Si Lexi naman ay nakapaghanap na din ng lupa na binili nya for her art gallery at nagsisimula na yung construction nito.
Nandito nga pala kami ngayon sa bahay nila Mr. & Ms. Wang.
Nang malaman kasi nilang magtatagal kami dito sa Korea ay nagoffer agad sila na dito muna kami magstay para daw mabawasan yung gastos namin.
Kahit ayaw ko man ay hindi na ako tumanggi dahil baka magtampo na talaga sila sa sakin dahil ilang beses na silang nagoffer noon at ngayon ko lang sila napagbigyan.
Dahil alas onse na kami nagising ay nagayos muna kami bago bumaba at sakto namang nakapaghain na ng pagkain si Mrs. Wang
"Upo na kayo at kumain na tayo dahil may lakad pa kayo." Malumanay na sabi ni Mrs. Wang.
Tumango naman kami at sabay sabay na umupo.
"Kamusta na po pala yung construction ng bahay namin?" Pasimula kong tanong kay Mr. Wang.
Napagkasunduan na kasi namin nila Daddy na magpatayo na ng bahay dito sa Gangnam ilang bahay lang ang layo dito kanila Mr. Wang para daw alam nyang safe kami at sigurado kasi ako na magtatagal kami dito dahil sobrang busy ng schedule namin ni Amara.
Nahihiya na rin kasi ako kanila Mr. Wang kahit sabihin ko pang nagbibigay kami ng pera ay iba parin talaga na may privacy silang mag asawa.
"It's doing great Ms. Savannah. Siguro in two months makakalipat na po kayo doon." Nakangiti nyang sagot.
"Maraming salamat po talaga Mr. Wang. Pasensya na po kayo kung minamadali ko po ang construction ng bahay. Nakakahiya na rin po kasi sa inyo. Isang buwan na po kaming nandito."
Umiling naman si Mrs. Wang. "Ikaw talagang bata ka. Mas okay nga samin na nandito kayo atleast sumigla ulit itong bahay."
Nagkakasiyahan pa kami sa kwentuhan ng biglang pumasok si Lincoln na napakgwapo sa suot nya.
Agad ko namang sinipa si Lexi pero inismidan lang ako nito.
Hay nako Lexi! Napakapikunin mo talaga.
"Are you done? Shall we go now?" Tanong ni Lincoln pero tanging kay Lexi lang nakapako ang tingin nya.
Pupunta nga pala kami ngayon sa Wolmi Theme Park sa Incheon at sasama samin si Lincoln dahil sa loob ng isang buwan naming pagistay dito sa ay wala sya dahil sobrang hectic daw ng schedule nila.
Tumango naman si Lexi. "Yeah we are ready. Ligpitin lang muna namin tong mga pinagkainan."
"Hindi nyo na kailangan magligpit. Sige na at umalis na kayo dahil mahaba haba din ang byahe nyo." Sabi ni Mrs. Wang at agad na tumayo para palabasin na kami sa dining area.
Ayaw na ayaw nya talaga kaming pinaglilinis dito dahil mga bisita daw kami pero minsan ay hindi na namin sya pinapakinggan at gumagawa na kami ng gawaing bahay.
Kahit naman lumaki kami sa marangyang buhay ay tinuruan parin naman kami ng mga gawaing bahay.
Bago kami tuluyang umalis ay umakyat muna ako sa kwarto dahil nakalimutan kong bitbitin kanina pababa yung Gucci sling bag ko.
YOU ARE READING
Just Your Fan
FanficImagine the person you admire the most fell in love with you. You're just one lucky girl 'cause you caught the heart of the man that almost every girl wishes to have. Will you be happy? Will it become easy for you?