Chapter 11

11 3 1
                                        

Hanggang sa makapasok kami sa loob ng Bright Entertainment ay lutang parin ako.

Hindi parin ako makapaniwala na nakapag eye contact kami ni Dylan.

Yung pinapangarap ko na makita sya sa personal ay nangyari na at may bonus pa.

Siguro nga kami na ang tinadhana ni Dylan noh?

Ay Sav malala ka na.

Iba ka rin talaga mangarap noh?

Naputol ang pagpapatansya ko at pakikipag usap sa sarili ng mabunggo ko si Lincoln.

"Ano ba Sav! Kanina ka pa wala sa sarili. Ilang beses mo na akong nabunggo. Ano bang nangyayari sayo?" Iritadong sabi nya.

"Alam mo kalalaki mong tao ang init lagi ng ulo mo. Wala namang nangyare sakin okay? Di lang ako makapaniwala na nakita ko na yung BE." Pagbibiro ko sa kanya.

Ewan ko ba. Kahit ano atang pang aasar ang gawin sakin ng mga to ay okay lang dahil sa ganda ng mood ko.

Tsaka hindi pa alam nung dalawa na nagkatinginan kami ni Dylan. Dahil for sure ay mag tititili nanaman yung mga yon dito.

Nakakahiya kaya baka mamaya mapag kamalan pa kaming escandalosa at bigla nalang kaming palayasin.

Habang nag lalakad kami ay nakita namin ang Lobby na punong puno ng regalo.

"Oh my gosh! Ang daming regalo para kay Caleb! Pano pa mapapansin yung akin dyan?" Halos maiyak na sabi ni Lexi.

"Alam mo Lexi bago ka pa naging fan ng BE alam mo naman na marami ng nag mamahal sa kanila. Malay mo naman ay mapansin parin nya yung regalo mo." Pag cheer up ko kay Lexi.

Tumango naman si Amara. "Oo nga Lexi. Alam naman namin na yung ibibigay mo ay mula talaga dyan sa puso mo kaya mapapansin yun ni Caleb. Malay mo eto na yung right timing diba? Sa dami na ng ibinigay mo baka ngayon mapansin nya na talaga."

Nagtaka kami ng pagtingin namin kay Lincoln ay dere-deretso lang syang naglalakad papuntang elevator kaya agad namin syang hinabol.

"Lincoln san ka pupunta? Bakit bitbit mo pa yang regalo ni Lexi? E diba dun yan sa lobby ilalagay?" Tanong ko sa kanya.

"Pupunta tayong practice room at doon ko na to iiwan. Ako na mismo ang mag bibigay kay Caleb para hindi naman masayang ang effort ni Lexi." Nakangiting sabi nya sabay pasok ng elevator.

Dahil sa narinig ni Lexi ay agad nyang niyakap si Lincoln.

"Thank you so much Lincoln!! Hindi mo alam kung gaano mo napasaya ang puso ko ngayon." Umiiyak na sabi nya habang nakayakap kay Lincoln.

"No worries. Anything for you Lexi." Makahulugang sabi ni Lincoln.

Teka parang may nasesense ako.

Mukhang nabihag ni Lexi ang puso ni Lincoln ah?

Iba talaga ang charisma ng babaeng to.

Nang bumukas ang elevator ay agad kaming lumabas at nag tungo sa practice room.

Pagpasok namin ay parang naiiyak ako.

Is this true?

Nandito na ako sa lugar kung nasaan lagi ang BE.

Hindi na ako nag dalawang isip na magpapicture kay Amara at syempre nag papicture din kaming tatlo dahil this is one of our greatest achievement bilang isang Fan.

Habang busy kami sa pagpipicture ay biglang pinatugtog ni Lincoln ang kanta ng BE.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapasayaw.

Just Your FanWhere stories live. Discover now