Naging mabilis ang takbo ng mga araw at ngayon na ang byahe namin papuntang New York.
Hindi pumayag sila mommy na mag kakahiwalay kaming sasalubungin ang bagong taon kaya ang ending ay sumama silang lahat sa akin ngayon.
Habang nasa byahe ay panay ang daldal ni Lexi.
Oo tama kayo ng narinig. Kasama din namin si Lexi at Amara.
Kelan ba nagpahuli ang dalawang to? Lalong lalo na at alam nilang nandun din ang BE.
"Alam mo Sav buti nalang ay pinayagan ako nila mommy at daddy. Ang lakas mo kasi sa kanila pero sobrang supportive din naman sila sa pagiging Fangirl ko sa BE." Dere deretsong sabi nya.
Sumang ayon naman si Amara. "Ako rin Lexi. Ang sabi kasi nila ay deserve ko naman daw mag bakasyon at makita ang BE pero higit sa lahat sobrang supportive sila sa business ni Sav."
Hindi ko naman mapigilang hindi mapangiti. Nakakataba lang ng puso na alam mong maraming nagmamahal at sumusuporta sayo.
Kunwaring umirap ako. "Sus kunwari pa kayo. Ang sabihin nyo ay ginamit nyo lang ako para payagan kayo pero okay lang sakin dahil mabait naman ako."
"Mabait your face! Napaka maldita mo nga." Sarkastikong sabi ni Lexi.
Umiling iling nalang ako at ipinikit ko na ang mga mata ko dahil dinapuan na ako ng antok.
After 17 hours of flight ay nakarating na kami dito sa LaGuardia Airport.
Sakay sakay ng shuttle ay mabilis lang naming natungo ang The Langham Hotel kung saan kami tutuloy habang nag iistay kami dito sa New York.
Mabilis kaming nag tungo nina Lexi at Amara sa suite namin dahil napagod talaga ako sa byahe.
Pagpasok namin ay namangha kami sa sobrang ganda ng hotel dahil kitang kita mo ang view at napakaganda ng city lights ng New York.
Nilapag lang namin ang mga gamit namin at agad na bumaba sa hotel restaurant dahil sabay sabay kaming kakain.
Pagdating namin ay nakaorder na sila mommy ng pagkain at ng makaupo kami ay nag simula na kaming kumain.
"Are you ready for tomorrow Avery?" Seryosong tanong ni daddy.
Sa tanong ni Daddy ay bigla akong nakaramdam ng kaba.
Bakit ka ba kinakabahan dyan Avery? Hindi pa naman opening ng boutique mo.
Mag titingin pa lang kayo ng magandang pwesto na pagtatayuan ng boutique at pipirma ng kontrata tapos kinakabahan ka na agad dyan?
Parang baliw ako na kinakausap ang sarili ko bago tuluyang nag salita.
"Yes dad. But I'm a bit nervous." Nag aalangang sabi ko.
"Why would you be nervous? You are great Avery. I know everyone here in New York will love your designs like what Koreans do." Sabi ni Kuya Tristan sabay hawak sa kamay ko.
"That's for sure my daughter! No one will be great as you when it comes to fashion. Cheer up!" Maligayang sabi ni mommy.
Pag lingon ko naman kanila Lexi at Amara ay nakita ko ang pag iling nila na tila ba sinasabing wag akong kabahan.
Tumango naman ako. "Thank you so much. I don't know what would I do if you are not all here. You are all my strength." Nangingilid luhang sabi ko.
Nang matapos kaming kumain ay nag pasya na akong umakyat sa suite dahil
sina Lexi at Amara ay mag siswimming pa daw.Ang dalawang yon talaga parang hindi nakakaramdam ng pagod.
Habang nakahiga ako sa kama at pinag mamasdan ang city lights ay naisipan kong ifacetime si Asher.
YOU ARE READING
Just Your Fan
FanfictionImagine the person you admire the most fell in love with you. You're just one lucky girl 'cause you caught the heart of the man that almost every girl wishes to have. Will you be happy? Will it become easy for you?