Chapter 18

6 2 2
                                        

Dahil sa tuwa ko ay nag papicture ako na nakaside view habang nakaharap naman ang bulaklak sa camera.

Ipopost ko to sa Instagram ko.

Para kahit papaano ay makapag pasalamat man lang ako sa kung sino man ang nagbigay nito.

Dali dali kong binuksan ang Instagram ko at nagulat ako na sobrang daming nag follow sakin at nagmessage.

Nagreply muna ako sa iilang messages bago ko pinost yung picture ko with a caption "Gamsahabnida! Dangsin-eun naleul jeongmal haengboghage mandeul-eossseubnida."

"Thank you for this! You made me really happy."

Ilang minuto pagkatapos kong mag post ay tumawag si Asher sa akin at nakipag facetime.

"Hi Asher! How are you?" Maligayang bati ko sa kanya.

"I'm doing great. Medyo busy lang sa business. Btw who's the guy who gave you the flower you've posted?" Nakita ko pa ang paniningkit ng mata nya.

Nagkibit balikat nalang ako. "I don't know either. Pinadala lang sa office kanina."

Nakita ko naman ang pagbuntong hininga nya.

"Please Avery take care of yourself and don't allow any man come closer to you. Wala ako dyan para protektahan ka."

Tumango naman ako sa sinabi nya at napangiti.

He's always been like that since we were kids. Minsan naiisip ko na nga na para syang si kuya Tristan sa pag ka over protective.

Umabot pa ng isang oras ang usapan namin dahil sa sobrang dami nyang kwento.

Loko lokong Asher yon. Ang sabi nya ay busy sya pero nakipag usap naman ng matagal.

Kinabukasan ay maaga kaming nagising dahil today is the first day of fashion week.

Naligo na kaming tatlo at pagkatapos ay dumiretso na kami sa Boutique para sa final fitting.

Pumasok na kami agad ni Amara sa office ko habang si Lexi naman ay bumili muna ng breakfast namin.

Nag fifit na si Amara ng gown ng biglang may kumatok.

Akala ko ay si Lexi na ang papasok pero nabigla ako ng si Jeong Shi ang iniluwa ng pinto na may bitbit na paper bag.

"Good morning Ma'am Sav! There's someone who left this." Sabi nya sabay abot sakin ng paper bag.

Naguguluhan naman akong kinuha ito. "Thank you."

Nginitian lang ako ni Jeong Shi at tuluyan na syang lumabas.

Pagkabukas ko ng paper bag ay nakita ko kaagad yung note.

"Naega achim mandeul-eoss eo. Paesyeon wikeu cheosnal haeng-un-eul bibnida."

"I made you breakfast. Goodluck on the first day of fashion week!"

Napangiti naman ako ng makita ko ang Bibimbap, Gimbap, Jajangmyeon, Tonkatsu, at banana na nasa lunch box.

Natawa pa ako ng may makita akong tatlong banana milk.

Wala pang ilang minuto ay dumating na si Lexi na nakabusangot at derechong umupo sa couch.

"Nakakainis! Hindi na ako bumili ng pagkain dahil sobrang haba ng pila. Nakakatamad mag hintay. Dun nalang tayo sa venue kumain."

"Wag ka na magalit dyan may pagkain na dito." Sabi ko at isa isang binuksan ang mga lunch box na punong puno ang laman.

Agad naman lumapit yung dalawa.

Just Your FanWhere stories live. Discover now