Chapter 4

21 2 0
                                    

Dahil sa kakaisip ko sa lalaking nakita ko kagabi ay napuyat ako kaya ngayon ay tinanghali na ako ng gising. Pagbaba ko sa sala ay si manang Mildred na lang ang naabutan ko.

"Nandyan ka na pala Savannah! Halika na rito at kumain." Sabi ni manang Mildred habang naghahain ng pagkain.

"Salamat po. Si kuya po pala nasaan?" Tanong ko habang umuupo.

"Maagang umalis ang kuya mo. Marami daw syang aasikasuhin ngayon sa office pero nag iwan sya dyan ng blueberry cheesecake sa ref para daw may makakain ka." Sabi nya at inilabas din ang blueberry cheesecake.

"Si kuya talaga kahit kailan napaka sweet. Thank you po manang." Sabi ko at nag simula ng kumain.

Sobrang dami kong nakain ngayon. Ang sarap kasi ng mga hinain ni manang Mildred sabayan mo pa ng all time favorite ko na blueberry cheesecake. Grabe busog talaga ako.

Nang matapos akong kumain ay umakyat na din ako sa kwarto ko. Itetext ko si kuya para magpasalamat.

To: Kuya Tristan
Kuyaaaaaaa! Thank you sa blueberry cheesecake. You never failed to make me happy everyday.

Wala pang ilang minuto ay nag reply na sya.

From: Kuya Tristan
You are always welcome my little Avery. Anong gusto mong pasalubong mamaya?

To: Kuya Tristan
Ano ba yan kuya! Tataba na ako nyan puro pagkain ang binibigay mo sakin :(

From: Kuya Tristan
It's okay. Kahit naman tumaba ka maganda ka parin. Basta ako na bahala sa dadalhin ko mamaya. If you want to go out you can go but please don't go home late. I love you.

Napangiti nalang ako ng mabasa ko ang text ni kuya. Sobrang swerte ko talaga sa kanya he's the best kuya in the world.

Hindi ko na sya nireplyan dahil for sure hahaba pa ang usapan namin. I know he's busy and he needs to focus.

Dahil wala na akong magawa naisipan ko nalang buksan ang tv. Ililipat ko na sana yung channel ng makita ko yung video na napanuod ko kagabi. Ang lakas talaga ng dating nya. Ang gwapo nya sa pink na sout nya.

Nang matapos ang kanta nila ay agad ko ng pinatay yung tv at kinuha ang cellphone ko. Agad agad akong pumunta sa Google para malaman ko ang pangalan nya.

Sinearch ko lang yung BE dahil alam ko naman na yun ang pangalan ng grupo nila dahil paulit ulit kong naririnig yon kay Lexi at Amara.

BE meaning Bulletproof until the End
-They are the most famous boy band around the world in today's time. They came from South Korea and eventually conquering the world with their good music that sends comfort,love and inspiration.

BEES meaning Be the Existence of Excellent Souls. (Name of their fans)

MEMBERS

Calvin Andrew Bonavich - Leader and Main Rapper

Blake Harrison Parker - Sub Vocalist and Visual

Chase Nicolas Wilson - Lead Rapper

Gaberiel Ethan Foster - Main Dancer, Sub Rapper and Sub Vocalist

Caleb Dean Scott - Main Dancer and Lead Vocalist

Cole Kaiden Smith - Lead Dancer, Sub Vocalist and Visual

Dylan Elliott Lee - Main Vocalist, Lead Dancer, Sub Rapper, Center and Maknae

So Dylan Elliott Lee pala ang pangalan nya? Why it fits him so well? At sobrang dami nyang role sa grupo.

Just Your FanWhere stories live. Discover now