Chapter 14

10 2 2
                                    

Nang makarating kami sa sasakyan ay hindi ako nag sasalita dahil naiinis talaga ako.

Hindi sa OA ako ha.

Pero masama talaga ang loob ko dahil nawala pa yung pinaka maliit na chance na pwede na akong mapansin ni Dylan.

Mabilis na nyang pinaandar ang sasakyan dahil umalis na rin ang sasakyan ni Lincoln kung saan nakasakay din sila Lexi at Amara.

Nagpagdesisyonan kasi naming kumain ng dinner sa isang sikat na restaurant dito sa Jung-Gu.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang city lights ng magsalita si Asher.

"Hey! What's wrong? Why aren't you talking? Are you tired?"

At may lakas ka pa talaga ng loob na mag tanong ng what's wrong Asher?

Dahil sa inis ko ay hinarap ko sya para irapan at mabilis na binalik ang tingin ko sa labas.

"What is that for Avery?" May nagawa ba akong mali?" Naguguluhang tanong nya.

Hindi ko sya iniimik dahil wala talaga ako sa mood.

Pero ang walang hiyang Asher ay panay ang pangangalabit sakin at tanong kung anong problema.

Sa sobrang inis ko ay hindi ko na napigilang sumabog at mapasigaw.

"Gusto mong malaman yung problema!? Ikaw yung problema Asher!"

Halatang nagulat si Asher sa inasta ko at mabilis nyang itinabi ang sasakyan.

"What do you mean Avery? Wala akong naaalala na may ginawa akong mali."

"Dahil sayo nawala yung katiting na pagkakataon na mapansin ako ni Dylan! Dahil sayo naudlot ang lahat." Hindi ko na napigilan ang paghikbi ko at tuluyan ng lumabas ang mga luha na kanina pa gustong kumawala.

I don't know why I felt this way pero sobrang nasasaktan ako.

Nanghihinayang kasi ako sa pagkakataon na mangingitian at makakawayan na ako ni Dylan.

Mabilis akong niyakap ni Asher. "I'm so sorry Avery! I didn't mean to do that. All I was thinking is you. Ayaw kong masaktan ka at maipit ka ng mga tao kaya hinila kita agad palabas."

Sa narinig ko ay mas lalo akong naiyak at naguilty.

Wala namang kasalanan si Asher pero sya ang sinisisi ko.

"I'm so sorry for what I've acted Asher! Sobrang nasasaktan at nanghihinayang lang ako sa pagkakataon. But now I've realized na baka nga hindi pa ito yung tamang oras na mapapansin ako ni Dylan."

Kung hindi man ngayon ang tamang panahon ay handa akong maghintay hanggang sa dumating yung araw na mapapansin din ako ng lalaking gustong gusto ko.

Nang makarating kami dito sa restaurant sa Jung-Gu ay deretso na kaming pumasok.

Medyo natagalan kami dahil nagretouch pa ako para hindi nila mahalatang umiyak ako.

Nang makita ko si Lexi ay agad na kaming lumapit sa kanila at umupo.

Sa itsura palang ni Lexi ay alam ko ng mag bubunganga nanaman sya.

Just Your FanWhere stories live. Discover now