Chapter 3

17 4 0
                                    

Pagkagising ko ay wala na sa tabi ko sina Lexi at Amara. For sure nasa baba na yung mga yon. Kaya nag hilamos lang ako at nag toothbrush tapos ay bumaba na din ako agad.

Naabutan ko pa sina Lexi at Amara na kumakanta at sumasayaw.

"Oh my my my oh my my my" Kanta ni Amara habang may pasayaw sayaw pa.

"I have waited longer, For a boy with
for a boy with luv." Sabi naman ni Lexi sabay talikod at nag taas ng kamay at nag sign ng I love you.

"Alam nyo ang aga aga para na agad kayong mga baliw." Sabi ko ng natatawa at umiiling.

"Alam mo ang aga aga panira ka na ng mood." Sabi ni Lexi na nag kukunwaring naiirita pero nakangiti naman.

"Pagbigyan mo na kami Sav. Na lss lang talaga kami sa bagong release na kanta ng BE." Sabi naman ni Amara na kumukuha na ng pancake na niluto nila.

Pagkatapos naming kumain ay nag kayayaan lang kaming mag swimming tapos ay umalis na din sila.

Umakyat na ulit ako sa kwarto dahil wala naman akong gagawin. Nakakalungkot dahil mag isa nanaman ako. Mas okay talaga kapag nandito yung dalawang kaibigan ko na baliw. Kahit papaano nakakapag enjoy ako at nakakalimutan ko kahit papaano ang problema ko.

Nag sasoundtrip ako ng may biglang kumatok sa pintuan ko at iniluwa nito si kuya.

"How are you my little Avery? I bring something for you." Sabi ni kuya habang papalapit sakin at inaabot ang blueberry cheesecake.

"Yehey! Thank you so much kuya!! Alam mo talaga kung ano ang comfort
food ko. I'm okay naman kuya nagenjoy ako dahil nandito sila Lexi and Amara." Sabi ko habang excited na binubuksan ang dala dala niya.

"Buti naman kung ganon. I'm so sorry di na ako nakapag paalam kahapon dahil ayaw na kitang istorbohin masarap na ang tulog mo at tulo pa nga laway mo." Sabi ni kuya habang tumatawa at umuupo sa paanan ng kama ko.

"Paepal ka talaga kuya. Di naman tulo laway ko e. Pasalamat ka may pasalubong ka na dala kundi bugbog ka talaga sakin." Sabi ko sa kanya habang nilalantakan ang blueberry cheesecake.

Habang nag kwekwentuhan kami ni kuya ay biglang tumawag si Angela yung secretary ko.

"Good Afternoon po Ma'am. Pasensya na po napatawag ako. Nagkaproblema po kasi dito sa boutique sa main office po. May nag rereklamo po na costumer." Sabi ni Angela na halatang nag woworry na.

"Ganon ba? I'll be there in 5 minutes." Sabi ko at nag mamadaling tumayo at nag bihis.

"Where are you going Avery? Bakit parang nag mamadali ka?" Tanong ni kuya.

"Kailangan kong pumunta sa boutique may problema." Sabi ko at agad ko ng kinuha ang susi ng stinger ko.

"I'll come with you. Ako na mag dadrive para mabilis." Sabi ni kuya at agad na ring sumunod sakin.

Wala pang limang minuto ay nakarating na din kami dito sa boutique nagulat nalang ako nang pag pasok ko ay may biglang pumutok na confetti at may dala dalang cake si Angela habang ang ibang staff ay may hawak na banner na nakasulat ang congratulations.

"What's happening?" Sabi ko nang nagtataka.

"We will be opening our boutique in Korea Ma'am Sav!" Sabi ni Angela na nagtatalon dahil sa tuwa.

Just Your FanWhere stories live. Discover now