Chapter 13

7 3 3
                                    

Dalawang linggo na ang nakakalipas simula ng mag open ang boutique ko.

Sa araw araw na nandito ako sa boutique ay hindi parin ako makapaniwala na tinatangkilik ng mga tao ang designs ko.

Mapa babae, lalaki, bata or matanda ay bumibili at sobrang nag eenjoy sila everytime na kinakamusta ko sila.

My heart is really happy now dahil sobrang laki talaga ng sales namin at hindi ko inaasahan iyon.

Habang pinagmamasdan ko ang sales namin sa laptop ay may biglang kumatok sa pintuan at iniluwa nito si Jeong Shi na nawawala lalo ang mata sa pagkakangiti.

"Annyeonghaseyo Ms. Sav nim banghaehaeseo joesonghajiman pillipin in gogaeg-i issseubnida." Excited na sabi nya.

Ang sabi nya ay meron daw mga pilipino na nandito sa boutique ko.

Hindi ko napigilan ang pag katuwa ko dahil first time ko kasi makaencounter ng kababayan ko na mamimili dito sa boutique.

"Jeongmal? Geudeul-eun eodie issseubnikka?"

"They are waiting for you outside Ms. Savannah." Sabi nya at agad na iginaya ako palabas ng office ko.

Malayo palang ay namukhaan ko na si Aishin Castañarez ang isa ring batang businessman katulad ko.

Nakikita ko na sya sa mga business conferences at conventions kaya medyo nakakapag usap na rin kami.

Nang makita nya ako ay halatang nagulat din sya pero agad din naman akong nilakihan ng singkit nyang mata na parang sinasabi nya na mag panggap ako na di ko sya kilala.

Ngumiti naman ako habang lumalapit sa kanila para malaman nya na sumasang ayon ako sa gusto nya kahit di ako sure kung anong trip nya.

"Hello! I'm Avery Lopez." I offered my hand for shake hands.

"Hello! I'm shin. It's nice to meet you Ms. Avery!" Singit nya kahit hindi naman talaga para sa kanya ang shake hands na yon.

Nakita ko naman na tinabig sya nung babaeng kasama nya.

Muntik na akong matawa pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Hi! It's nice to meet you kabayan! I'm Klea."

Ngumiti naman ako. "Please do enjoy yourself shopping in here. It's a pleasure to have you both here."

At sumungit nanaman itong si Aishin.

"No it's our pleasure being here in your boutique."

Mahigit twenty minutes na kaming nag iikot at itong si Aishin ay panay din ang pangunguha ng damit na gusto nya.

Paglingon ko kay klea ay nakaupo na sya sa couch at halatang napagod na.

Bigla namang nag salita si Shin. "I didn't know na ikaw ang may ari neto Sav"

"Hindi ka rin naman kasi nag tatanong Aishin! Tsaka halata namang wala kang paki sa ibang bagay." Pang aasar ko sa kanya.

Natawa naman sya. "Oo na! Kaya tulungan mo nalang ako mag hanap ng damit para kay Klea."

Tumango naman ako. "So sya pala si Klea. Kaya naman pala baliw na baliw ka sa kanya dahil sobrang ganda naman pala talaga nya sa personal pero mukhang selosa nga lang." Natatawa naman ako habang inginuso si Klea na halatang iritado na.

"Do you think she's jealous?"

"Oo kaya bilisan na natin dahil feeling ko ay sinusumpa nya na ako samantalang wala naman akong ginagawang masama." Nakanguso na sabi ko.

Paano ba naman kahit kelan tong Koreano na to ay puro kalokohan.

Gamitin ba naman akong paen para malaman kung nag seselos ba si Klea.

Just Your FanWhere stories live. Discover now