Chapter 18: Indirect Kiss
Alexa's POV
"HOY!" sigaw ko sa kanya. Kanina pa kasi siya tulala sa kutsara.
Ano ba meron doon?
Napatingin siya sa akin.
"Tulala ka diyan?" - ako
Tumingin siya sa kutsara tapos tumingin siya ulit sa akin. Pabalik balik lang..
Ano nangyayari dito?
"Ayos ka lang ba? Bakit namumula tenga mo?" tanong ko sa kanya.
Iniwas niya bigla yung tingin niya sa akin at kumain na lang ng lugaw.
Pinanood ko na lang siyang kumakain.
Nagugutom ako...
 ̄ω ̄
Busog na sana ako, kundi lang niya inagaw sa akin ung kutsa--
Napatingin ako bigla sa kutsara niya. Anak ng pusang shinopao.
"Wag mong isusubo yan." pigil ko bigla sa kanya.
Pakiramdam ko nagsipuntahan na lahat ng dugo sa mukha ko.
>//////<
"Bakit?" takang tanong ni Rence.
Hindi ko siya sinagot. Nakatingin lang ako sa kutsara.
Waaahhhh!!! Bakit ngayon ko lang napansin?
Naniniwala pa naman ako sa indirect kiss.
"Tsk!" inalis niya yung kanang kamay ko sa kutsara.
"Huwag sabi eh." pigil ko ulit sa kanya, nang susubo siya ulit.
Pinigilan ko yung kamay niya gamit yung kaliwang kamay ko. Hindi kasi niya binitawan ung isa kong kamay.
(>_
"Bakit ba?" inis na sabi niya. Binalik niya yung kutsara sa lugaw.
Napatingin ako sa kutsara.
Siyete! Naalala ko nanaman ung ginawa ko sa kutsara kanina.
Bakit ko ba kasi ginawa yun?
"Wala ka naman sigurong virus diba?" - Rence
O_o - ako
(*^﹏^*) - siya
"Huh?!" - ako
"*smile* Okay lang sa akin kung nagamit mo na yung kutsara." sabi niya habang nakatingin sa mata ko.
Natulala naman ako sa kanya.
Ningitian niya ako? Nanaginip ba ako? Waaaahhhh!!!
Bigla naman siya nagseryoso.
"Kung naniniwala ka naman sa indirect kiss... ayos lang din yun. Nahalikan na din naman kita. *smirk*" dugtong niya pa.
(⊙o⊙)
*DUG.DUG.DUG*
'Kung naniniwala ka naman sa indirect kiss... ayos lang din yun. Nahalikan na din naman kita.'
'Kung naniniwala ka naman sa indirect kiss... ayos lang din yun. Nahalikan na din naman kita.'
'Kung naniniwala ka naman sa indirect kiss... ayos lang din yun. Nahalikan na din naman kita.'
BINABASA MO ANG
THE MYSTERIOUS GANGSTERS (UNDER REVISION)
Teen FictionDalawang taong nagmahalan sa nakaraan... Nagkahiwalay ng dahil sa isang pangyayaring naganap... Dahil din sa isang pangyayari... Nagkita sila muli sa kasalukuyan... Magkakasama kaya silang muli?? o Tuluyan na silang magkakahiwalay?? Ano kaya ang ma...