CHAPTER 55: WILL YOU BE MY...

2.7K 78 0
                                    

CHAPTER 55: WILL YOU BE MY...

Xandra's POV

Isang buwan na ang nakakalipas at marami na ang nangyari. Si Aira, pagkatapos ng tatlong araw niya sa ospital. Bihira na lang siyang pumasok dahil may inaasikaso daw siya. Nagpaalam naman daw siya sa mga prof niya na mapapadalas ung absent. Pumayag naman daw sa tulong ni Dad.

Sila Zyrene at Ellaine, palagi na silang sumasabay sa amin kapag lunch break! At dahil marami kami masyado para sa table sa canteen. Sa MAZE na lang kami kumakakain.

Sila Zyrille, Rex at Ralph, nagiging close sila sa isa't - isa. Sila ang palaging nagkukulitan lalo na kapag gising si Rex.

Sila Khylle at Allen, pagkatapos ng sigawan nila sa ospital lagi na lang sila nag aaway. Minsan pa nga pinagtutulungan nila Khylle at Keith si Allen.

Si Nathan, napansin ko na madalas siyang tahimik lalo na kapag wala si Zyrene. Si Zyrene kasi madalas niyang nakakausap. Minsan si Prince din.

Si Prince naman madalas silang nagpapaligsahan sa kahit na ano ni Ellaine. Gawain na nila yun dati. Pati nga paunahan sa pagkain ginawa nila.

Sila Shyne at Lance, ganun pa rin. Sinusuyo pa rin ni Lance si Shyne. Si Shyne naman tuloy lang sa pagiging playgirl.

Si Lucifer tahimik pa rin. Tapos si Voltaire ganun din. Kapansin pansin din kay Voltaire na madalas tinitignan si Aira kapag nandyan. Minsan pa nga nakikita namin siyang sumusunod sa kanya na para bang nagbabantay.

Si Kian naman, bukod sa kasama na silang dalawa ni Aira sa Dance Club at member na din sila ng Ain1. Napapadalas na yung pagbibigay niya ng teddy bear na may letter sa damit. Naka 21 teddy bear na tama lang ang laki na may letter sa damit na B, O, R, R, Y, I, L, Y, F, W, L, U, E, M, G, I, L, I, E, N, at D. At isang malaking teddy bear na may S sa damit.

"Princess, dalian mo na diyan." tawag sa akin ni Prince na naghihintay sa sala ng condo ko. Nagyaya kasi siya na lumabas. Namiss niya daw akong makasama na kaming dalawa lang.

Lumabas na ako ng kwarto. Nakadress ako ng kulay blue na dala niya. Suotin ko daw kaya ito suot ko.

"Bagay sayo. Tara na." - Prince

Hinila na niya ako palabas ng condo ko. Tinignan ko yung suot niya. Naka blue na polo siya at itim na pantalon.

Sumakay na kami sa sasakyan niya.

"Saan tayo pupunta?" - ako

"Sa RFP mall. Kakain ng ice cream." - Prince

********************************

Rence's POV

Pagkaalis nila Xander, pumasok agad ako ng condo ni Xandra. Madali lang ako nakapasok dahil hindi naman ito nakalock.

Pumunta ako ng kwarto ni Xandra at saka kinuha ang pakay ko.

Kung ano yun? Secret muna. xD

Lumabas na ako ng condo niya at saka ito nilock. Baka mapasukan pa ng magnanakaw. Mahirap na!

******************************

Xandra's POV

"Strawberry ice cream akin." sabi ko kay Prince. Siya daw mag oorder. Tumango naman siya at saka pumunta sa counter.

THE MYSTERIOUS GANGSTERS (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon