CHAPTER 24: HE'S BACK
Alexa's POV
"WAAAHHHHH!! LATE NA AKO!!" sigaw ko nang mapansin kong 10:10am na. Siyete! 9:00am pasok ko. Nagmadali akong bumangon.
"ARAY!!" sigaw ko habang hawak hawak yung paa ko.
Siyete ang sakit!! Sa kakamadali ko kasi bumangon, hindi ko namalayan na may nakakalat pala na damit sa sahig.
Sumabit yung paa ko doon. Tapos parang tumunog pa. Nagkamali yata ako ng hakbang. Yung parang naipitan ng ugat. Basta ganun.
(A/n: pasensya na! Hindi ako magaling mag explain.)
Naglakad ako na parang pilay. Kapag kasi hinahakbang ko yung isang paa ko... sumasakit! T___T
Pumasok na ako ng banyo para magtoothbrush at maligo.
After 45 mins. Bihis na ako. Ready na ako sa pagpasok. ^___^
Magtataxi na lang siguro ako, para mabilis.
Nagpara ako ng taxi.
"Manong, sa RU po." sabi ko kay manong driver, pagkasakay ko.
Habang nasa biyahe ako. Ginalaw galaw ko yung kaliwang paa ko na masakit.
Papatingin ko muna ito kay Ate Kate bago pumasok sa next subject ko.
Tinignan ko yung wrist watch ko. 11:00am na. Lunch break na namin.
Huminto na yung taxi.
"Bayad po." sabi ko kay manong driver, habang inaabot yung 200.
Susuklian pa sana niya ako, pero pinigilan ko siya.
"Sayo na po yung sukli." sabi ko sa kanya at saka nagmadaling umalis.
Dumaan muna ako ng locker ko, para iwanan yung gamit ko. Nakakatamad kasi magdala. ^____^V
Nagdala lang ako ng pera pambili ko ng pagkain, cellphone at saka susi ng locker ko.
Nagpunta na ako ng canteen at nakita ko doon sila Nathan at Sandra na kakaupo lang. Lumapit ako sa kanila. Mamaya na ako mag oorder. Hehehe. Magpapakita muna ako sa kanila, para may kasabay akong kumain.
Napatingin sa
"Alexa! Bakit hindi ka pumasok kanina?" bungad sa akin ni Sandra.
"Tinanghali ako ng gising eh! Hehehe." sagot ko sa kanya.
"Kumain ka na?" tanong sa akin ni Nathan.
"Hindi pa. Wait lang. Bibi----" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko, nang bigla akong hatakin ni Nathan paupo.
"Ako na bibili... mukhang may pilay ka." sabi niya sa akin bago umalis.
BINABASA MO ANG
THE MYSTERIOUS GANGSTERS (UNDER REVISION)
Teen FictionDalawang taong nagmahalan sa nakaraan... Nagkahiwalay ng dahil sa isang pangyayaring naganap... Dahil din sa isang pangyayari... Nagkita sila muli sa kasalukuyan... Magkakasama kaya silang muli?? o Tuluyan na silang magkakahiwalay?? Ano kaya ang ma...