CHAPTER 27: PHANTOM SIXTEENXandra's POV
"Phantom Sixteen... information background." sabi ni Aira habang nakatingin sa folder na binigay kanina. Binuksan ko din yung folder na binigay sa akin.
O.o
Ito yung mga member ng phantom sixteen ah! Nakasulat dito ung info nila.
"Ang Phantom Sixteen... sila ang may grupo na may misteryosong member. Si Phantom King." - Dad
Napatingin ako kay Dad. May pinindot siya sa screen at doon lumabas ang mga picuture ng Phantom Sixteen. Pinindot niya ang picture ni Phantom King.
"Siya lang ang nag iisa na walang ibang Information Background... maliban sa anak daw siya ng unang Phantom King at kapatid ng huling Phantom King." - Dad
"Pero sa pagkakaalam namin... Nag iisa lang ang anak na lalaki ni George o ang mas kilala na unang Phantom King." - Dad
"Kung isa lang ang anak niyang lalaki... ibig sabihin hindi niya talaga anak si Phantom King?" - Ako
Tumingin sa akin si Dad.
"Hindi kami sigurado kung hindi nga niya talaga anak si Phantom King. Si George ay kilalang player noon. Kaya hindi malabong may anak siya sa ibang babae." - Dad
"Teka nga lang Dad, bakit parang kilalang kilala niyo si George?" - Prince
"Tsk! Stop asking." - Dad
Bipolar yata si Dad. Bigla na lang nagsusungit.
"Fine! Pero siguro naman okay lang magtanong, kung ano ang mission namin?" - Prince
"Gusto namin na alamin niyo kung may kinalaman nga ba sila sa mga mafia na pumapatay." - Dad
Biglang nagtaas ng kamay si Aira. Napatingin kami kay Aira.
"Bakit kami?" - Aira
"Kung kayo ang gagawa... lalo na ang Dark Royalties, hindi nila iisipin na may kinalaman kami sa gagawin niyo... iisipin nila na kayo mismo ang may gustong imbestigahan sila." - Mr. Smith
Bakit naman hindi nila iisipin yun?
"Alam naman natin lahat na ang Phantom Sixteen at Dark Royalties ay mortal na makalaban, samantala ang Silent Killer naman mas kilala na walang pakialam sa gulo nila. Ang ng grupo na hindi nasali sa away ng iba, kaya naman hindi nila kayo pagdududahan sa gagawin niyo." - Mr. Smith
Ah! Yun pala un.
"Diba matagal ng naayos ang gulo sa pagitan ng Dark Royalties at Phantom Sixteen?" - Aira
Napatingin kami sa kanya. Naayos nga ba yung gulo?
"Ang totoo niyan... hindi talaga naayos ang gulong yun. Nanahimik lang bigla ang Phantom Sixteen. Tulad ng Silent Killer... hindi sila nakikipaglaban hanggang hindi sila hinahamon. Pagkatapos naman ng pagkamatay ng huling Phantom King... nanahimik ang grupo nila. Nang damating naman ang bagong Phantom King, nag umpisa nanaman sila ulit." - Dad
"Pagkatapos naman sila matalo ng Silent Killer, 5 years ago. Muli silang natahimik at ngayon na lang sila ulit nagparamdam." - Mr. Smith
Natahimik kami bigla sa sinabi niya.
Natalo pala ng Silent Killer noon ang Phantom Sixteen? 5 years ago... hindi ko pa sila kilala nun.
"This is a Secret Mission. Wala kayong dapat pagsabihan na inutusan namin kayo, kahit ang mga kamember niyo pa. Kung magpapatulong naman kayo sa kanila, tanungin niyo muna kami bago kayo magpatulong." - Dad
BINABASA MO ANG
THE MYSTERIOUS GANGSTERS (UNDER REVISION)
Teen FictionDalawang taong nagmahalan sa nakaraan... Nagkahiwalay ng dahil sa isang pangyayaring naganap... Dahil din sa isang pangyayari... Nagkita sila muli sa kasalukuyan... Magkakasama kaya silang muli?? o Tuluyan na silang magkakahiwalay?? Ano kaya ang ma...