CHAPTER 34: TEDDY BEAR

4K 103 8
                                    

CHAPTER 34: TEDDY BEAR

Xandra's POV

Good Morning! Unang araw ko na papasok sa school bilang Princess Alexandra Rutherford.

"Handa ka na ba Princess?" tanong sa akin ni Prince pagkatapos niya ipark ang sasakyan niya.

"Oo naman. ^__^" masayang sabi ko sa kanya. Excited na nga ako! Ito na ang umpisa ng laban namin ni Nathalie.

"Kakaiba ang  ngiti  mo. May binabalak ka ba?" tanong sa akin ni Prince.

"Wala ah! Masaya lang ako. Tara na Baby boy." sabi ko sa kanya bago lumabas ng sasakyan niya. Lumabas na din siya. Sabay kami naglakad papuntang room.

"Good Morning Xandra." nakangiting bati sa akin ni Shyne. Hindi naman siya halatang excited. Sinalubong pa niya talaga ako sa pintuan ng room.

"Good Morning." - ako

"Good Morning Xander." bati niya naman kay Prince. Ningitian lang siya ni Prince  at tinanguan.

Sabay na kami pumasok ni Shyne sa room. Kasunod naman namin si Prince. Pagpasok ko tinginan yung mga kaklase  namin sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin. Hinanap ko si Kian

Wala pa siya.

Tinignan ko yung upuan ni Nathalie.

Wala din siya. Magkasama kaya ang dalawang yun?

Pumunta ako sa upuan ko sa tabi ni Kian, pero bago pa ako makaupo doon may nauna na sa akin. Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Rutherford ka na. Kaya doon ka sa tabi ng kakambal mo." - Nathan

Tinignan ko siya ng masama. Biglang may humila sa akin.

"Dito ka na uupo." sabi sa akin ni Prince. Pinaupo niya muna ako bago siya umupo sa tabi ko.

"Kung alam ko na hindi ko na siya makakatabi, edi sana Alexandria Mendoza pa rin ang gamit ko dito." bulong ko.

Kinausap kasi ako nila Dad kung mag aaral na ba aki dito gamit ang real name ko. Pumayag na ako kasi useless din naman ang pagpapanggap ko. Alam na nila Kian ang totoo.

***********************************

Nathalie's POV

"Rence, wag mo kong iwan." pagmamakaawa ko kay Rence. Kanina pa kami ganito simula nung sabihin niya na break na kami.

Hindi niya ako pinansin. Tuloy  lang siya sa paglalakad.

"Rence, please... mahal na mahal kita." umiiyak na sabi ko. Hinawakan ko siya sa kamay para pagilan sa paglalakad.

"Bitawan mo ko." sabi niya  at saka ako tinignan ng malamig na tingin. Inalis niya ang kamay  ko.

"Nathalie,  tigilan mo na ako sa mga kasinungalingan mo. Alam ko na ang totoo. Sinabi na sa akin ni Xandra yung dahilan niya... at hindi ko akalain na may kinalaman ka doon. Sabihin mo nga sa akin... minahal mo ba talaga ako? O ginamit mo lang ako para saktan si Xandra?" sabi niya sa akin.
Bakas sa kanya na pinipigilan niyang magalit  sa akin.

Tumawa ako. Pinunasan  ko ang luha ko.

"So... si Xandra pala ang dahilan kung bakit ka nakipagbreak sa akin. Sinabi na pala niya sayo yung totoo. *chuckle* Tama ka! Hindi kita minahal... ni isa sa inyo ni Xander hindi ko minahal. *evil laugh* Pareho ko kayo ginamit laban sa kanya. Ang tanga tanga niyo! Nagpauto kayo sa akin." sabi ko sa kanya.

THE MYSTERIOUS GANGSTERS (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon