CHAPTER 43: INVESTIGATION
Rence's POV
"Waaahhh! Sasakyan ko." - Shyne
"Potek! Sino may gawa nito?"- Xander
Lumapit siya sa sasakyan niya na wasak wasak na.
"Kung sino man nagpasabog ng sasakyan ko. Sisiguraduhin kong magbabayad siya." - Shyne
Tumingin ako sa paligid. May napansin ako na nakatingin sa amin.
"May nakatingin sa atin." - ako
Tumigil sila Shyne sa pagtingin ng sira sira nilang sasakyan. Tumingin din sila sa paligid.
"Ayun!" - Allen
Tinuro niya yung lalaking nakita ko. Tumakbo bigla yung lalaki. Hinabol naman ito ni Voltaire, Allen at Xander.
"HOY! BUMALIK KA DITO!" - Allen
"Hindi ba natin sila susundan?" - Ralph
"Wag na. Kaya na nila yun. Hintayin na lang natin sila." - Lance
"Sa loob na tayo maghintay. Delikado dito sa labas. Baka may mga kasama pa yung hinabol nila." - Lucifer
*******************************
Aira's POV
Pagpasok namin. Binuksan ko agad yung computer sa sala. Nagpipindot ako doon at tulad ng nangyari sa cellphone ko. May lumabas na Video na kuha ng camera sa labas. May mga hidden camera kasi sa paligid ng bahay.
"May hidden camera pala sa labas." - Ralph
Tinignan ko siya at saka tumango. Nagsilapitan sa amin yung iba.
Tinignan ko yung video na kuha kanina, bago sumabog yung sasakyan nila.
May tatlong lalaki na sumisilip sa gate.
Parang makikita naman nila yung loob.
-___-
Nag usap usap sila.
Pagkatapos nilang mag usap lumapit sila sa sasakyan at doon nila inumpisahang lagyan ng bomba yung mga sasakyan.
Tinignan ko sila. Bigla bigla kasi silang natahimik.
"May gustong pumatay sa inyo. Swerte niyo wala kayo sa sasakyan." - Vince
"Kilala niyo ba sila?" - ako
"Hindi." - Lucifer
"Ngayon ko lang sila nakita." - Ralph
"Baka kaaway niyo?" - Vince
"Marami kaming kaaway. Pero alam namin kung sino yung mga kaaway namin. At hindi sila kasama doon." - Nathan
"Baka napag utusan lang sila." - Vince
Tinignan ko si Vince na kanina pa tanong ng tanong. Isa sa mga gusto ni Vince ang mystery. Hilig niya magpakadetective.
"Ellaine, anong iniisip mo?" - Zyrene
Natauhan naman si Ellaine na halatang halata na ang lalim ng iniisip.
"Kanina habang papunta tayo dito. May napansin akong itim na sasakyan na sumusunod sa atin." - Ellaine
"Bakit ngayon mo lang sinabi?" - Nathan
"Napansin din kasi yun ni Xander. Kaya hindi ko na sinabi." - Ellaine
BINABASA MO ANG
THE MYSTERIOUS GANGSTERS (UNDER REVISION)
Teen FictionDalawang taong nagmahalan sa nakaraan... Nagkahiwalay ng dahil sa isang pangyayaring naganap... Dahil din sa isang pangyayari... Nagkita sila muli sa kasalukuyan... Magkakasama kaya silang muli?? o Tuluyan na silang magkakahiwalay?? Ano kaya ang ma...