CHAPTER 31: DAY 3
Rence's POV
"Babe!" napalingon ako kay Nathalie na palapit sa akin. Hinalikan niya ako sa pisngi at humawak sa braso ko.
"Babe, date tayo." - Nathalie
Hindi ko siya pinansin. Tuloy lang ako sa paglalakad.
Tsk! Ang landi! Kung hindi lang sa...
Napahinto ako sa paglalakad.
"Hey! Bakit ka---O? Hi Xander! Alam mo na ba yung balita? Kami na ulit ni Rence. ^___^" sabi ni Nathalie kay Xander. Tinignan ko kung anong reaction ni Xander. Sulubong yung kilay niya. Tumingin siya kay Alexa na kanina pa tahimik. Pansin ko lang... namamaga yung mata niya.
Umiyak ba siya?
"Ah! Congrats sa inyo at..." sabi niya kay Nathalie at saka tumingin sa akin. "...good luck sayo." dugtong niya. Tinapik niya ako sa balikat bago niya hilain paalis si Alexa.
Yeah right! Good luck sa akin.
Sinundan ko sila ng tingin habang palayo sila. Lumingon pa sa amin si Alexa, pero agad din iniwas yung tingin.
Anong nangyari doon?.
"Tara babe! Nagugutom ako. Kain muna tayo sa canteen. Hindi kasi ako nakapagbreakfast eh!" sabi ni Nathalie. Hindi na niya ako hinintay makapagsalita. Basta hinila na lang niya ako palayo.
Isa pa itong weird! Ngayon lang siya naging ganito. Madalas ako yung nagyaya.
Tinignan ko siya ng maigi.
Ano nanaman plano mo?
***********************************
Alexa's POV
"Okay lang?" tanong sa akin ni Prince, nang makarating kami sa isang room kung saan naghahanda yung mga sasali sa quiz bee mamaya.
"Okay lang ako." sagot ko sa kanya.
"Sure ka?" - Prince
Tinignan ko siya ng masama.
"Seriously... ilang beses niyo balak tanungin kung okay ako? Sinabi ng okay lang ako. Paulit ulit??" - ako
Mula kasi kaninang umaga hanggang ngayon. Ayan yung tanong NILA. Hindi lang siya pati sila Ralph, Rex, Lance at kahit si Voltaire tinatanong ako kung ayos lang ako. Mukha ba akong ayos? Obvious namang hindi. Kahit sino hindi magiging okay... kapag nakitang may kasamang iba or malaman na may iba na yung mahal nila.
BINABASA MO ANG
THE MYSTERIOUS GANGSTERS (UNDER REVISION)
Teen FictionDalawang taong nagmahalan sa nakaraan... Nagkahiwalay ng dahil sa isang pangyayaring naganap... Dahil din sa isang pangyayari... Nagkita sila muli sa kasalukuyan... Magkakasama kaya silang muli?? o Tuluyan na silang magkakahiwalay?? Ano kaya ang ma...