CHAPTER 36: LAST FIGHT
Xandra's POV
Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako kapag naalala ko yung nangyari kahapon. ^___^
*dingdong.dingdong*
"Ay palaka!" gulat na sabi ko. Tumayo ako para buksan ang pinto.
Tingin sa kanan...
Tingin sa kaliwa..
Wala naman tao ah?
Napatingin ako sa paanan ko. May nakita akong CD at maliit na papel. Pinulot ko ito.
From: Unknown
To: Xandra"Kanino galing ito?" sabi ko sa sarili ko. Pumasok na ako sa loob ng condo ko. Kinuha ko ang laptop ko. Isasaksak ko na sana ang CD sa laptop ko nang biglang may nagdoorbell.
*dingdong.dingdong.dingdong*
Sino naman kaya yun?
Iniwan ko muna sa kama yung laptop at CD. Lumabas ako ng kwarto.
*dingdong.dingdong.dingdong*
Binuksan ko yung pinto.
"Good Morning!" nakangiting sabi ni Kian.
Ningitian ko siya.
"Good Morning. ^_^" bati ko din sa kanya. Napatingin ako sa hawak niya.
"Pinagluto kita ng pancakes." sabi niya sa akin.
Napatingin ako sa pancakes niya.
"I love you." basa ko sa nakasulat. Yung pinakaunang pancake kasi sinulatan niya gamit ang syrup.
"I love you too." - Kian
Napatingin ako sa kanya. Abot tenga ang ngiti niya kaya napangiti na din ako.
"Tara sa kitchen." yaya ko sa kanya. Kinuha ko yung pancakes. Sumunod naman siya. Nilapag ko sa mesa yung pancakes.
"Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya. Habang kumukuha ng plato.
"Hindi pa." - Kian
"Sabay na tayo. Upo ka." - ako
Inayos ko na yung kainan. Nagtimpla din ako ng dalawang hot chocolate.
"Wala akong kape kaya hot chocolate na lang." - ako
Umupo na ako sa tabi niya. Tinignan ko yung pancake. Parang ayaw ko kainin yung may 'I love you'. Alam ko na! Kinuha ko ang phone ko at pinicturan ito.
"Pinicturan mo pa talaga?" natatawang sabi niya.
"Para may remebrance." nakangiting sabi ko. Binaba ko na ang phone ko. Nagsign of cross ako at pinagdikit ang dalawa kong palad. "Salamat sa pagkain. Amen." sabi ko.
BINABASA MO ANG
THE MYSTERIOUS GANGSTERS (UNDER REVISION)
Teen FictionDalawang taong nagmahalan sa nakaraan... Nagkahiwalay ng dahil sa isang pangyayaring naganap... Dahil din sa isang pangyayari... Nagkita sila muli sa kasalukuyan... Magkakasama kaya silang muli?? o Tuluyan na silang magkakahiwalay?? Ano kaya ang ma...