CHAPTER 42: HIDE AND SEEK
Xander's POV
Siyete! 5 days ng nawawala si Princess. Nalaman ko din kay Rence na sinabi sa kanya ni Princess na sa bahay siya matutulog. Pero 5 days na akong nandito at wala naman siya dito.
Saan naman nagpunta yun?
Tinanong ko na sila Ate Queen. Pero hindi naman daw pumunta si Princess. Kahit sila Mom and Dad walang alam.
Hahanapin ko siya.
Kinuha ko yung susi ng sasakyan ko. Una ko pinuntahan si Rence. Pero bago yung dumaan muna ako sa condo ni Princess. Alam ko naman password ng pinto niya. Pumasok ako sa kwarto niya.
Wala yung laptop niya at wala din yung ibang damit niya.
Naglayas ba siya? Saan naman siya tumutuloy ngayon? Hindi kaya--
Pinuntahan ko si Rence.
"Bakit?" - Rence
Pumasok agad ako sa condo niya. Tinignan ko yung mga kwarto doon.
"Ano ginagawa mo?" - Rence.
Nilingon ko siya.
"Tinitignan ko lang kung nandito si Princess. Mukhang wala siya din siya dito." - ako
Nagsalubong kilay niya.
"Sinabi ko na sayo. Nagsabi siya na sa bahay niyo siya matutulog ng isang lingo." - Rence
"Yeah right. Pero wala siya doon. Kaya naisipan ko na baka isa sa inyo siya nakitira." - ako
Naglakad na ako palabas ng condo niya. Sumunod naman siya sa akin.
"Saan ka pupunta?" - Rence
"Hahanapin ko siya sa iba." - ako
"Sasama ako." - Rence
"Okay." - ako
********************************
Xandra's POV
"Ano? May nakita na ba kayong kakaiba sa Video?" - ako
"Meron." - Aira
Napaayos ako ng upo. Nakapatong kasi ung ulo ko sa couch.
"Ano?" - ako
"Base on my observation..." - Aira
"Naks! English." - Vince
*PAAAK*
Binatukan siya ni Aira.
"Aray!" - Vince
"Manahimik ka." - Aira
Napailing na lang ako. Medyo nasasanay na ako sa kanila. Tumira pa naman ako dito na kasama sila. Lagi kaya sila ganyan
"Sa kilos ni Rence. Halatang galit siya, kaya niya sinuntok si Xander. Tungkol naman doon sa mga lalaki..." - Aira
"Ano?" - ako
"Napansin ko na inedit lang ung video. Tignan mo ito." - Aira.
Pinelay niya yung Video. Tapos pinause niya sa part kung saan paalis na si Rence.
"May sasakyan na nakaparada doon." - Aira
Tinuro niya yung blue na sasakyan na kita sa video. Pinelay niya ulit at saka pinause doon sa part na parating na ung sasakyang itim.
BINABASA MO ANG
THE MYSTERIOUS GANGSTERS (UNDER REVISION)
Teen FictionDalawang taong nagmahalan sa nakaraan... Nagkahiwalay ng dahil sa isang pangyayaring naganap... Dahil din sa isang pangyayari... Nagkita sila muli sa kasalukuyan... Magkakasama kaya silang muli?? o Tuluyan na silang magkakahiwalay?? Ano kaya ang ma...