CHAPTER 4: THANK YOU KISS

5.4K 157 5
                                    

CHAPTER 4: THANK YOU KISS 

Alexa's POV

"Hey girl!"  

Pagkarinig ko ng boses niya, nagsitayuan bigla ang balahibo ko.

*dug.dug.dug*

Tumayo ako agad para tumakbo ngunit nahawakan niya ang kanang pulso ko. Para akong nakuryente ng magdikit ang balat namin.

"Huli ka!"  rinig kong sabi ng lalaking humahabol sa akin.

"Bitawan mo ko!" 

Nagpupumiglas ako sa kanya. Pero mas lalo niya hinigpitan ang hawak niya sa akin.

"Sasama ka sa akin sa ayaw mo o sa gusto mo,"  aniya habang hinihila ako.

"Ayokong sumama sayo," pilit kong tinatangal ang pagkakahawak niya sa akin. "Bitiwan mo nga ako"

Di niya ako pinakinggan. Hinila niya lang ako papunta sa CR.

Patay! Ano gagawin niya sa akin?? Bakit niya ako hinihila papuntang CR?? Hindi ko na alam gagawin ko. Kinakabahan na ako dahil baka kung ano gawin niya sa akon.

"Sandali lang!"  sabi ni Nathan.

Nakalimutan kong nandito pa pala siya. Hinawakan niya ang kaliwang pulso ko. Napahinto naman sa paghila sa akin ung lalaki. Tumingin siya kay Nathan.

"Wag kang mangialam dito Nathan,"  sabi ng lalaki kay Nathan. Magkakilala sila??  

Palipat-lipat ang tingin ko sa kanila.

"Wag mong pilitin sumama ang taong ayaw sumama sayo," tugon ni Nathan sanay hila sa akin.

"Wala kang pakialam kung gusto ko siyang isama," hinila ako ng lalaki pabalik sa kanya.

Anak ng butiki. Ano ito tag of war? Ang sakit na ng braso ko.

"May pakialam ako dahil girlfriend ko yang hinihila mo."

Teka? Ano nga ulit ung sinabi ni Nathan?

Loading...

1%...

5%...

8%...

Pisti! ang bagal ng loading.

20%..

50%..

Ayan medyo bumibilis na.

75%..

99%...

100%

~tiiinggg

"May pakialam ako dahil girlfriend ko siya."

"May pakialam ako dahil girlfriend ko siya."

"May pakialam ako dahil girlfriend ko siya."

Anak ng pusa. 

Girlfriend?

Ako?

Ni Nathan?

Kailan niya ako naging girlfriend?

"Girlfriend? Sa pagkakaalam ko wala kang girlfriend *smirk*" sagot nung lalaki.

"She is my secret girlfriend. Sinisikreto lang namin para sa kaligtasan niya." 

Nagtinginan sila ng masama, samantalang ako hawak parin nila ung braso ko.

THE MYSTERIOUS GANGSTERS (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon