CHAPTER 35: MAYBE THIS TIME

3.8K 91 10
                                    

CHAPTER 35: MAYBE THIS TIME

Xandra's POV

"Bakit wala yung kambal mo?" tanong sa akin ni Shyne habang naglalakad kami papuntang canteen.

"Hindi ko din alam. Sa condo ako natulog. Hindi naman sa bahay." sabi ko sa kanya. Balik condo na ulit ako. Nung una ayaw ni Prince pero wala na din siya nagawa.

"Kamusta yung manliligaw mo?" tanong niya sa akin.

"Ayun! Hindi pa rin nagpaparamdam." sagot ko sa kanya.

Simula nung Tuesday. Hindi na siya nagparamdam. Friday ngayon at hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakikita. Kahit anino man lang niya.
WALA!! Pagkatapos niyang isigaw yung 'I LOVE YOU PRINCESS ALEXANDRA. CAN I COURT YOU?' mamawala lang siya bigla?

Napasimangot ako bigla.

"Hala! Baka nagtatampo yun. Hindi mo kasi sinagot ung tanong niya." sabi sa akin ni Shyne.

"Hindi yun." kontra ko sa kanya.

"Baka naman nakipagtanan na kay Nathalie." - Shyne

Tinignan ko siya ng masama.

"What? Hindi ka ba nagtataka? Hindi na rin siya nagpakita simula nung tuesday, tulad ni Rence." - Shyne

Tama naman siya. Hindi na nagpapakita si Nathalie sa amin, pero mali sana yung conclusion niya. Hindi magagawa ni Kian un. I trust him.

"Wag ka nga nega diyan." nakasimangot na sabi ko sa kanya.

"Hi girls! ^__^" - Keith

Napatigil kami sa paglalakad ng biglang humarang sila Allen at Keith. May hawak na gitara si Allen.

Nagkatinginan kami ni Shyne.

"Anong meron? Bakit may hawak kang gitara?" tanong ko sa dalawa.

"May haharanahin kami." - Keith

"Sino naman? May nililigawan ka na Allen? Hindi ko na tatanungin si Keith kasi malabong mangligaw yan."  - Shyne

"Yeah right! Hindi ko na kasi kailangan mangligaw. Isang kindat ko lang may instant girlfriend na ako." - Keith

"Shyne, hawakan mo ko. Ang lakas ng hangin eh! Baka matangay ako." - ako

"Sige, kapit ka lang. Akong bahala sayo." - Shyne

"Grabe! Ang hard niyo sa akin." nakasimangot na sabi ni Keith.

Nagtawanan naman kami.

"Sige, tawa pa." - Keith

Tumigil na kami sa kakatawa.

"Sino nga haharanahin niya?" - Shyne

Nagkatinginan ung dalawa at nagtanguan. Nag umpisa ng magstrum ng gitara si Allen.

NP: Maybe this time

"Si Xandra ang haharanahin namin. *smile*" - Keith

"Ako?" - ako

Tumango naman sila at ngumiti. Bakit nila ako haharanahin? Magtatanong pa sana ako sa kanila pero nag umpisa na kumanta si Keith.

"~Two old friends meet again
Wearin' older faces
And talk about the places they've been~" - Keith

THE MYSTERIOUS GANGSTERS (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon