CHAPTER 8: FRIENDS?

4.4K 127 3
                                    

CHAPTER 8: FRIENDS?

Alexa's POV

Dalawang araw na ang lumipas mula nung may nagdikit ng mga pictures sa bulletin board...

2 days na din na hindi ko nakakasama ang Dark Knight at di ko na rin nakikita si Rex.

~sigh

"Hahahaha. Ayan ang bagay sayo nerd, dapat kasi namimili ka ng taong kakalabanin mo." - Nathalie

Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko si Nathalie at yung nerd na nakabungo ko dati.

Binuhusan ni Nathalie ng juice yung nerd tapos tinulak niya ito, kaya napaupo ito.

Bakit ba ang hilig niya manulak?!  =___=

Tatayo na sana yung nerd, pero tinulak siya ulit  ni Nathalie.

"Pangit ka na nga... Lampa ka pa!" - Nathalie

"Tama na yan." biglang dumating si Zyrene. Tinulungan niya makatayo yung nerd.

"Wag ka ngang makialam dito Zyrene. Huwag ka nga magpanggap na mabait." - Nathalie.

"Nathalie, ayaw ko ng gulo kaya kung maaari umalis ka na at tigilan mo na si Ellaine." - Zyrene

"Ayaw mo? " - Nathalie

Tinulak niya si Zyrene na nasa harapan nung nerd. 

Kamuntik na matumba si Zyrene buti na lang nasa likod niya yung nerd.

"Kung ayaw mo ng gulo umalis ka na sa harapan ko. Kung ayaw mong... pati ikaw idamay ko." - Nathalie

"Okay aalis ako pero isasama ko si Ellaine." sabi ni Zyrene. Hinila niya yung nerd na tinawag niyang Ellaine. Pinigilan naman siya ni Nathalie.

"Ikaw lang ang pinapaalis ko, hindi siya kasama." sabi ni Nathalie kay Zyrene. Pilit niyang tinatanggal ang pagkakahawak ni Zyrene kay Ellaine.

Pagtangal niya sa kamay ni Zyrene ay bigla niya ito sinabunutan.  Pilit naman inaalis ni Zyrene yung kamay ni Nathalie sa buhok niya.

"Bagay lang yan sayo!!" sabi ni Nathalie sabay tulak sa kanya.

Tumama si Zyrene sa puno at bakas sa mukha niya na nasakatan siya.

Di ko kaya na panuorin na lang sila na ginaganyan ni Nathalie. Kailangan ko silang tulungan. Tumingin ako sa paligid may nakita ako isang balde na may lamang tubig.

*evil grin*

********************************************************

Nathalie's POV

Naglakad ako palapit kay Zyrene.

"Masakit ba? Hindi lang yan ang aabut-- OH MY GOD." - ako

Biglang may nagbuhos ng tubig sa akin.

"Putek! Bakit ka b--" pagharap ko nakita ko si Alexa.

"Sorry, akala ko kasi dumi... Balak ko sanang linisan eh!  nangangamoy basura kasi dito. *smirk* " - Alexa

"Anong sabi mo?" galit kong sabi sa kanya.

"Walang ulitan sa taong bingi." sabi niya sa akin habang nakangiti.

Pusang gala siya!!! Ang lakas ng loob nito na kalabanin ako.

"Aba loko ka ah!" sabi ko sa kanya. Sasampalin ko na sana siya pero nahawakan niya yung kamay ko.

"Kung iniisip mo na masasampal mo ko... nagkakamali ka, dahil alam ko na ang mga gawain mo." sabi niya sa akin at sinampal niya ako bigla. "Sorry di ko sinasadya." ngumiti siya sa akin na mapang asar.

THE MYSTERIOUS GANGSTERS (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon