CHAPTER 3: IM DEAD!!!!

5.5K 162 4
                                    

CHAPTER 3: IM DEAD!!

Alexa's POV

~RFP Mall

Lakad lang ako ng lakad dito sa mall. Wala kaso akong magawa kaya ito ako palakad lakad. Nakaramdam ako ng gutom kaya lumingon lingon ako sa paligid para maghanap ng makakain.

Nakakita ako ng bilihan ng shake. Isa sa paborito kong inumin.

"Pabili pong isang large strawberry shake," sabi ko sa nagtitinda. Paborito ko kasi ang strawberry. Pagkabigay sa akin ng shake, nagbayad na ako at naghanap ng mauupuan.

Nangangalahati na yung shake ko nang maisipan kong maglakad ulit.

~Trouble - it will find you
 No matter where you go 
 Oh, oh
 No matter if you're fast~

Kuya Drei Calling...

"Bakit?" diretsong tanong ko sa kanya. Hindi na kasi uso ang hello sa akin ngayon.

[Mabait na bata. Wala man lang hello kuya??] sarcastic niyang sabi sa akin. 

"Hindi na yun uso sa akin ngayon. Bakit ka ba napatawag?"

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang sinisipsip ang shake ko.

[Tsk. Naenrol na kita  sa RU. Sa monday na ang umpisa ng klase mo. Punta ka na lang sa condo ko mamaya. Para makuha mo yung schedule mo. ID at saka yung uniform mo. May ibibigay din pala ako. ] 

"Ano??" tanong ko sa kanya. Ano naman ibibigay niya maliban sa schedule, ID at uniform ko???

[Basta! Punta ka na lang dito.] 

"Sabihin mo na!! Gusto ko malaman," pangungulit ko at saka tumigil sa paglalakad.

[Secret. Malalaman mo rin naman mamaya. Sige ibaba ko na. Bye Princess. ]

Bago ako makapagsalita, binabaan na niya ako. Binulsa ko na yung phone ko at maglalakad na sana ako ulit nang may mabangga ako.

"Eeeew!! Ang lagkit ko na," sabi ng babaeng nakabunguan ko pero hindi ko siya pinansin dahil nakatingin lang ako sa shake ko natapon.

"Alam mo ba kung magkano ang damit ko ha??" tanong sa akin ng babae sa akin.

'Waaaaaah!!! Ang strawberry shake ko natapon.'

"Miss, kinakausap kita," tinulak niya ako kaya naman napatingin ako sa kanya. 

Aba!!! Ako na nga nawalan ng shake?? Siya pa ang galit.

"Tignan mo ang ginawa mo sa damit ko. Dinumihan mo!" sabi niya sa akin.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

"Damit lang yan miss. Pwede mo yan labhan. Yung sa akin shake hindi ko na pwedeng mainom. Kung nagrereklamo ka naman dahil malagkit ka? Meron diyan CR Pwede kang maligo kung gusto mo?" mataray kong sabi sa kanya. Ang arte arte niya kasi. Ako na nga nawalan ng shake siya pa may ganang magalit.

"Hindi ko kasalan kung shunga ka. Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan. Ayan tuloy natapunan ako ng SHAKE MO," sagot niya at talagang nilakasan pa niya ang pagkakasabi ng 'SHAKE MO'. Ang sarap sapakin.

"Kasalan mo din miss. Kung tumitingin ka sa dinadaanan mo edi sana naiwasan mo ko!"

Ginagalit niya talaga ako. Sabihan pa naman akong Shunga. Tsk. Tapos nakakainis  dahil natapon pa yung shake ko. 

THE MYSTERIOUS GANGSTERS (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon