CHAPTER 17: MEMORY

4.4K 115 4
                                    

Chapter 17: Memory

Alexa's POV

*Blah.Blah.Blah.*

Ang boring. =____=

Tumingin ako sa kaliwa ko. Walang nakaupo. Absent siya?

"Hinahanap mo siya?" bulong ng katabi ko sa kanan.

"Huh? H-hindi ah! Nagtataka lang ako kung bakit wala siya." sabi ko kay Nathan.

"Weh?! Bakit ka nakatitig kabdiyan sa upuan niya? Tapos lingon ka ng lingon sa pinto kanina." - Nathan

"Oo na! Hinahanap ko siya kasi..m wala akong maasar ngayon. *pout*" - ako

"Tsk! Namimiss mo lang siya." - Nathan

"Joke ba un? Siya mamimiss ko? Tsk! Asa!" - ako

"Tsk. Defensive" - Nathan

Hindi na ako sumagot. Inirapan ko na lang siya at tumingin sa upuan ni Rence.

Ayos lang kaya siya?

******************************

Nathan's POV

*Blah. Blah.Blah*

Hindi ko na masyado initindi yung sinasabi ng prof namin.

Tinignan ko si Alexa. Nakatingin nanaman siya sa upuan ni Rence.

Tsk! Hindi daw namimiss.

Tumingin na siya ulit sa harap.

Parang ang lalim ng inisip niya. Yung ballpen kasi nahawak niya. Pinaglalaruan niya sa kamay habang nasa malayo ung tingin.

Ano kaya iniisip nito?

*bzzzzzt.bzzzzzzt*

Kinuha ko yung phone ko. May nagtext.

-----------------------------------------

From: Sandra

Baka matunaw si bestfriend. :P

-------------------------------------------------

Tinignan ko si Sandra sa likod. Nagsmirk lang siya sa akin.

Tinignan ko siya ng masama.

Tumawa naman siya.

Tsk! Baliw. Parehas sila ng pinsan niya.

**********************************

Lance's POV

"Wala si Rence?" tanong ko sa tatlong nakatambay sa tambayan namin.

"Nakikita mo ba siya?" - Voltaire

"Hindi. Teka! Bakit ba ang sungit mo?" - ako

"Tsk!" - Voltaire

"Hahahaha. Kanina pa yan ganyan. Meron yata nga---Aray! Joke lang." - Ralph

"Meron pala ah! Hahahaha. Nabatukan ka tuloy. Hahaha-- " sabi ko kay Ralph. Natigilan ako sa pagtawa, nang mapansin ko na ang sama ng tingin sa akin ni Voltaire. "What?! " tanong ko sa kanya.

"Isa ka pa! Tsk! Tawagan mo si Rence." - Voltaire

"Bakit ako? Bakit hindi ik--Sabi ko nga eh! Ito na tatawagan ko na siya." - ako

THE MYSTERIOUS GANGSTERS (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon