CHAPTER 2: DARK KNIGHT VS BLACK DRAGON

8.5K 198 2
                                    

Ring! Pagkatunog ng alarm clock agad umatake si Xandra sa isang miyembro ng Black Dragon. Pagkaiwas nito sa atake niya, sinipa niya naman ito sa tagiliran. May naramdaman siyang papalapit sa kanyang likod.

Paglingon ni Xandra, sinalo niya ang kamao nito saka niya sinipa sa mukha at sunod-sunod na pinagsusuntok hanggang sa bumagsak ito.

Bang! Crash! Clang!

Napuno ng iba't-ibang ingay ang abandonadong building simula nang mag-umpisa ang laban.

Mainit ang labanan ng dalawang grupo. Bawat isa sa kanila ayaw magpatalo.

Sinugod ng isa sa Black Dragon si Lucifer.

Inatake siya nito ng sunod sunod pero mabilis naman niya ito naiiwasan at nang huminto sa pag-atake ang kalaban agad siyang sumugod.

"Ngayon ako naman," sambit niya bago ito sumuntok ngunit nailagan ito ng kalaban.

Kaya muli siyang sumuntok. Mabuti na lamang natamaan na niya ang kalaban. Napaatras ito pero humakbang palapit si Lucifer habang sumusuntok. Sa sobrang bilis ng galaw niya hindi na nagawang makailag ng kalaban kaya natumba na lang ito pagkatapos niya suntukin sa ilalim ng baba.

"Tsk. Weak," sambit ni Lucifer sabay sipa sa kalaban niya na kasalukuyang walang malay. 

Bumagsak dito ang lalaking tumawag na duwag sa leader nila. Umangat ang ulo ni Lucifer at nakita niya si Keith na nakangisi.

Katulad ni Lucifer, nainis din ito sa panlalait sa leader nila. Nang mag-umpisa ang laban, siya agad ang target ni Keith at ngayon wala na rin ito malay. Binugbog ito ni Keith hanggang sa wala na itong mukhang maihaharap oras na magkita sila ulit.

"Walang kwenta!" sambit ni Keith.

Sa kanang bahagi nila makikita si Allen na nakangiti.

"Hello!" bati ni Allen sa nagsabi kanina na natakot si Xander. Hindi niya palalampasin ang pagiinsulto nito sa leader nila kaya inunahan niya si Lucifer dito.

Bigla siyang sinipa nito pero naiwasan niya ito agad.

"Relax lang pare. Masyado kang nagmamadali. Ikaw rin baka mapadali ang pagbagsak mo," sabi ni Allen saka ngumisi.

Tuloy lang ito sa pag-atake kay Allen pero wala ni isa ang tumama hanggang sa sinalo ni Allen ang kamao nito sa halip na umiwas.

"Nakakarami ka na ah! Ako naman," sambit ni Allen saka siya sumuntok.

Binugbog niya ang kalaban hanggang sa maligo na ito sa sarili niyang dugo. Nang mawalan na ito ng malay, doon lamang tumigil sa pagsuntok si Allen.

Pinunasan niya ang kamao niya na napahiran ng dugo ng kalaban niya. Kalmado lang ang bawat kilos nito hanggang sa marinig niya ang sigaw ni Nathan.

"Boss sa likod mo!" 

Pagtingin ni Allen kay Xandra, nakita niyang tatlo ang kalaban nito. Nanlaki ang mata niya saka kinalibutan dahil nasipa sa sikmura si Xandra; napaluhod ito habang umuubo.

'Patay! Lagot kami sa kapatid ni Xandra kapag may masamang nangyari sa kanya,' sa isip ni Allen. Oras na umuwing may galos si Xandra siguradong sila ang malalagot.

"Anak ng pusa," sambit ni Nathan sabay takbo patungo kay Xandra.

Pagkatingin ni Allen kay Lucifer, sinenyasan siya nito na tumulong rin. Tumango siya at nang dumapo ang tingin niya kay Keith, saktong nakatingin sa kanya ito. Nagtanguan sila bago sabay na tumakbo patungo kay Xandra.

THE MYSTERIOUS GANGSTERS (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon