CHAPTER 33: LAST DAY OF FOUNDATION
Xandra's POV
*tok.tok.tok*
Binuksan ko yung pinto ng kwarto ko.
"Bakit?" tanong ko kay Prince na nakatayo sa labas ng kwarto ko.
"Pupunta ka daw ba ng party mamaya? Pinapatanong ni Mom." - Prince
Nanlaki ang mata ko.
Oo nga pala! Last day na ngayon ng foundation... at tuwing last day nagkakaroon ng party.
"Nakalimutan mo?" - Prince
Napakamot ako sa ulo. Tinulak ako ni Prince... pero mahina na lang, para makapasok siya sa loob. Umupo siya sa higaan ko.
"Nag aalala si Mom sayo. Mula nung dumating tayo hanggang ngayon, hindi ka pa lumalabas ng kwarto. Okay ka na ba? Alam mo... hindi mo naman kailangan magmukmok mag isa dito. Nandito naman kami." - Prince
Ningitian ko siya. Pabagsak akong humiga sa higaan ko.
"Okay na ako. Kaya wag na kayong mag alala. Pakisabi kay Mom na pupunta ako mamaya bilang Xandra."
Humiga din si Prince sa tabi ko.
"Ngayon alam na ni Rence yung totoo. Anong plano mo?" - Prince
"Hindi ko pa alam. Bahala na!" - ako
Ningitian ako ni Prince at saka umupo. Umupo na din ako.
"Basta Princess... nandito lang ako. Hindi kita iiwan, kahit ano man mangyari." - Prince
Tumango naman ako at ngumiti. Tumayo na siya at lumabas ng kwarto.
*sigh*
Humiga ako ulit at tumingin sa kisame.
Oras na siguro para ayusin ko yung mga maling desisyon ko... at uumpisahan ko na mamaya.
***************************************
Rence's POV
Pagdating namin ng venue ng party tinginan sa amin yung mga tao.
Diretso lang ako ng lakad. Sumunod naman sa akin yung apat na nasa likod ko. Pumuwesto kami sa table sa dulo.
"Pupunta kaya sila Shyne?" tanong ni Lance habang tumitingin sa entrance.
Bigla kong naalala si Xandra.
Pupunta kaya siya?
"Lance, nandyan na yung hinahanap mo." - Ralph
Napatingin kami sa tinitignan niya. Nakita ko ang grupo ni Xander. Kasama nila si Shyne at si...
"Xandra." bulong ko
Napatingin siya sa akin. Ningitian niya ako
*dug.dug.dug*
"Babe, nandito ka lang pala!" rinig kong sabi ni Nathalie pero hindi ko pinansin.
Unti unting nawala ang ngiti ni Xandra. Iniwas niya yung tingin niya sa akin.
"Babe!!" - Nathalie
Tinignan ko si Nathalie.
"Bakit?" - ako
"*pout* Kanina pa ako nandito. Hindi mo man lang ako pinapansin. *pout*" sabi niya habang nakacross arm.
BINABASA MO ANG
THE MYSTERIOUS GANGSTERS (UNDER REVISION)
Teen FictionDalawang taong nagmahalan sa nakaraan... Nagkahiwalay ng dahil sa isang pangyayaring naganap... Dahil din sa isang pangyayari... Nagkita sila muli sa kasalukuyan... Magkakasama kaya silang muli?? o Tuluyan na silang magkakahiwalay?? Ano kaya ang ma...