CHAPTER 5: FIRST DAY IN RUTHERFORD UNIVERSITY

5K 150 2
                                    

CHAPTER 5: FIRST DAY IN RUTHERFORD UNIVERSITY

Alexa's POV

~Rutherford university.

Nandito ako ngaun sa harap ng Rutherford University. Lumingon lingon ako sa paligid. Nagbabaka sakaling makita ko ang Dark knight.

Tumingin ako sa wrist watch ko at nanlaki ang mata ko nang makitang late na ako.

Pumasok na ako sa loob ng school.  Tinignan ko ang schedule ko at kung saan ang room ko.  PA building room 143. 

Saan ba ang PA building?

"PRINCESS."

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Kuya Drei. Tumakbo ako palapit sa kanya. 

Pagkalapit ko sa kanya, agad ko siyang binatukan.

"Wag mo nga akong tawaging princess kapag nasa school tayo,"  sabi ko sa kanya

"Sorry! Nakalimutan ko na si Alexa ka nga pala ngayon." 

"Kawawa ka naman Drei. Under ka sa kapatid mo,"  pang-aasar ni Kuya Ken. Tinignan siya ng masama ni kuya.

"Manahimik ka nga," sabi sa kanya ni Kuya Drei bago ako nito lingunin. "Hatid na kita sa room mo. Iisang building lang naman tayo."

"Okay." 

Pumayag na ako dahil hindi ko din naman alam kung saan ako pupunta. Inakbayan ako ni Kuya Drei

"Una na kami," paalam niya sa mga kasama niya.

"Sige bro, baka malate pa yang kapatid mo," sambut ni Kuya Daryl.

Habang papunta kami sa room ko, sari saring tsismisan ang naririnig ko.

"Sino kaya yung babaeng kasama ni Drei?"

"Baka gf niya?"

"Hiwalay na ba sila ni Xenah?" 

"Di ko alam eh!"

"Ang landi naman niya. May girlfriend na nga nilalandi pa niya."

Tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil din si Kuya. Tinangal ko ang pagkakaakbay niya sa akin. 

"Baka kung anong isipin nila,"  bulong ko sa kanya at nauna na ako maglakad. Nakakainis talaga sa school na ito. Kaya ayokong mag-aral dito eh! Masyadong maraming tsismosa.

"Dito na tayo," sabi ni Kuya Drei. Tumingin ako sa taas ng pinto at nakita kong may nakasulat na 143. Kumatok si Kuya sa pinto.

May lumabas na isang babae. Sa tingin ko mga nasa 25 palang ito. Nag-usap silang dalawa ni Kuya saglit. 

"Punta na ako sa room ko. Malapit na rin kasi magumpisa klase ko," paalam sa akin ni kuya. Tinanguan ko naman siya.

"I'm Ms. Denise Rivera. Your math teacher," sabi sa akin ng babaeng kausap ni kuya kanina.

"Good Morning po Ma'am. I'm Alexandria Mendoza."  sabi ko sa kanya

"Okay. Ms. Mendoza pasok na tayo sa loob." 

Pumasok na kami sa room.

"Class, may bago kayong classmate,"  sabi ni Ms. Denise sa harapan ng magiging kaklase ko. "Ms. Mendoza, Introduce yourself." 

THE MYSTERIOUS GANGSTERS (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon