CHAPTER 30: DAY 2

3.8K 98 7
                                    

CHAPTER 30: DAY 2

Alexa's POV

"Prince, babalik na ako sa condo ko mamaya. Doon mo na lang ako ihatid. Ha?!" sabi ko kay Prince habang nagmamaneho siya pupuntang RU. Nagsalubong ang kilay niya, pero sa daan pa rin siya nakatingin.

"Bakit ka babalik doon? Ayaw mo na ba akong kasama?" - Prince

"Eh? Hindi naman. Namiss ko lang yung condo ko." - ako

"Yung condo mo ba talaga yung namiss mo? O yung taong nakatira sa tabi ng condo mo?" - Prince

Nanlaki ang mata ko sa tanong niya.

"Paano mo nalaman na doon siya nakatira?" gulat na tanong sa kanya.

Tinigil niya yung sasakyan at saka tumingin sa akin.

"Baka nakakalimutan mo... ako si Alexander the great. *smirk*" - Prince.

"Che!" binato ko sa kanya yung towel na nakuha ko sa loob ng sasakyan niya at saka lumabas. Nag umpisa na ako maglakad. Hmmp! Bahala siya sa buhay niya.

"Hoy! Hintayin mo ko." rinig kong sabi niya, pero hindi ko na siya nilingon. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad.

"Sandali lang." - Prince

Hindi ko pa rin siya pinansin.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

Napatigil ako sa paglalakad, nang maramdaman ko na wala ng sumusunod.

Tumingin ako sa likod ko. Wala na siya!

Saan kaya nagpunta yun?

Nagshrug lang ako ng shoulder at saka pinapatuloy ang paglalakad.

"Hi Alexa." napatigil ako sa paglalakad ang marinig ko ang boses na yun.

"Nathalie! Nakabalik ka na pala? Musta ang one week vacation mo?" pang aasar ko sa kanya.

Inirapan niya ako.

"Masaya, nakapagplano ako... kung paano kita mapapaalis dito. *evil laugh*" - Nathalie

Kinabahan ako bigla sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari. Haayy! Napaparanoid nanaman ako.

"Talaga? Aabangan ko yan. Btw. Paalala ko lang." sabi ko sa kanya at saka lumabit sa kanya. "Mamili ka ng binabanga, baka ikaw ang mawala dito." bulong ko sa kanya at saka ningisian bago umalis.

"Haaisstt!!! Nakakainis talaga ang babaeng yun." rinig kong sabi niya. Napangiti na lang ako bigla pero nawala din iyon, nang maalala ko yung sinabi niya kanina.

Ano nanaman kaya pinaplano niya?

**********************************

Xander's POV

"What?" inis na sabi ko kay Nathan. Maabutan ko na sana si Alexa, kundi lang siya humarang.

"Pinapatawag ka ni Mrs. Garcia. Kasali ka daw sa Quiz bee. Puntahan mo na lang siya sa faculty." - Nathan

"*sigh* Sige. Pupunta na ako doon. Ikaw na sumunod kay Alexa. Bantayan mo siya. Nakabalik na si Nathalie, baka kung ano nanamang gawin niya sa kakambal ko." sabi ko sa kanya. Tinapik ko siya sa balikat bago umalis.

THE MYSTERIOUS GANGSTERS (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon