CHAPTER 1: DARK KNIGHT

12.9K 245 11
                                    

Nagkasalubong kilay ni Xandra sa ingay ng cellphone niya. Huminto siya sa paglalakad saka kinapa ang cellphone sa bulsa ng pantalon niya.

"Pusang gala! Istorbo! Sino ba itong tumatawag?"

Pagkahugot niya ng cellphone napasimangot siya habang nakatingin sa pangalan ni Nathan.

Ano naman kailangan ng isang ito?

"Hello."

"Xandra, nasaan ka?"

"Sa puso mo."

"Hindi ka nakakatawa, nasaan ka ngayon?"

Naiinis man si Xandra, sinagot pa rin niya ang tanong ni Nathan.

"Sa RFP Mall. Bakit ba? Alam mo bang nakakaistorbo ka?"

"May laban ngayon ang gang."

"What?! Bakit ngayon mo lang sinabi?"

Napatingin kay Xandra ang mga naglalakad sa mall nang lumakas ang boses niya, dulot ng sobrang inis. Namila ang mukha ni Xandra saka pilit na ngumiti.

'Putek! Napahiya ako doon ah,' sa isip ni Xandra.

Nag-umpisang bumilis ang kanyang hakbang habang nakatapat pa rin sa tainga niya ang cellphone.

"Wag kang sumigaw, ang sakit sa tenga," sabi ni Nathan mula sa kabilang linya.

Mula sa tono nito na-imagine ni Xandra na salubong ang kilay nito habang nagsasalita. Tumawa ng mahina si Xandra bago magsalita.

"Sorry..."

Pagkarinig ni Nathan sa tawa ni Xandra, lumundag ang puso nito.

"Tsk! Kita na lang tayo sa harap ng mall, papunta na ako."

Lumawak ang ngiti sa labi ni Xandra. Hindi na niya kailangang mag-taxi pa dahil may tagasundo na siya.

"Okay bye!"

Tumunog ang cellphone ni Xandra, senyales na tinapos na ni Nathan ang tawag.

Binulsa ni Xandra ang cellphone habang naglalakad papasok sa bilihan ng damit para sa mga lalake. Mabilis siyang na kumuha ng isang t-shirt, jacket at pantalon na ayon sa kanyang size saka ito binayaran.

Sunod niyang pinuntahan ang bilihan ng wig, pinili niya ang pixie cut. 

Pumasok sa restroom for female si Xandra. Hinubad ni Xandra ang kanyang damit, lumitaw ang payat niyang waist na may maputing kutis.

Isa-isang sinuot ni Xandra ang mga pinamili niyang damit. Paglabas niya sa cubicle, pinatong niya sa gilid ng hugasan ng kamay ang mga gamit niya.

Pag-angat niya ng ulo, nasilayan niya ang sarili na nakasuot ng kulay asul na t-shirt at pinatungan ito ng itim na leather jacket. Humakbang siya paatras hanggang sa makita niya ang dark blue na pantalon.

Tumaas ang gilid ng labi ni Xandra. Wig na lang ang kulang mukha na siyang lalaki. Kumuha siya ng tali sa bagpack niya saka sinuklayan niya ang mahaba niyang buhok paitaas. Inikot niya ito na para bang may siopao siya ulo. Naglagay muna siya ng hairnet bago niya pinatong ang binili niyang wig. 

Sinuot niya ang sumbrero saka nag-selfie.

"Ang gwapo ko talaga, kamukha ko na si Prince," aniya bago binalik sa bulsa ang cellphone.

Kaya siya ngayon nakasuot ng panglalake para magpanggap bilang si Xander.

Kakambal niya si Xander, maliban sa gender magkamukhang-makamukha silang dalawa. Prince ang tawag ni Xandra sa kanyang kakambal, ayon na rin sa pangalan nito na Prince Alaxander Rutherford. 'Princess' naman ang tawag kay Xandra ng mga kapamilya niya.

THE MYSTERIOUS GANGSTERS (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon