Chapter 11

378 54 16
                                    

Nagising ako sa tunog ng alarm sa phone ko, napatingin ako sa oras 5 am pa lang matutulog pa sana ako kaso bigla kong naalala yung nangyari kagabi, totoo ba yun? O baka paginip lang yun inalala ko yung nangyari kagabi.

"Tama yung panyo!" Dali-dali kong hinanap yung panyo, nakita ko sa gilid ng unan ko yung panyo.

"Andito yung panyo hindi yun panaginip totoo yung nangyari kagabi" kahit hindi ko pa inaamoy ang panyo ay nasinghot ko ang mabangong amoy nito, nakakaadik ang amoy. Hindi siya masiyadong matapang sakto lang, Ang manly.

Sininghot ko pa ito napansin kong may nakasulat kaya tiningnan ko.

Caleb

May nakalagay pa lang name niya. Nagulat ako ng tumunog ulit ang alarm ko kaya kinuha ko ang phone ko at pinatay ang alarm.

Tumayo na ako para iprepare ang mga gamit ko, naligo ako at ginawa ang daily routine ko. Ang suot ko ay Leggings na black at pink na sports bra, nagsuot na din ako ng face mask para di ako makilala ng mga tao.

Maaga pa kaya iilang tao pa lang ang dumadaan pumunta ako sa Receptionist para magtanong kung may gym sila.

"Good Morning Ms. Lorraine! May kailangan po kayo?" Bati ng babaeng receptionist.

"May gym ba dito?" Ngumiti naman siya.

"Yes Ma'am, located po ang gym sa tabi ng Love Restaurant,"

"Wala bang masiyadong tao doon?"

"Ay naku ma'am marami po ang gumagamit ng gym pag ganitong oras," Tumango ako tatalikod na sana ako pero nagsalita ulit ang babae.

"Pero po sabi ni Sir, you can use his gym," Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Sir? Sinong Sir?" Imbis na sumagot ay nginitian niya lang ako.

"Here's the card Ma'am, Second floor Room 79," Pag-iiba nito sa usapan inabot niya saakin ang card.

Wala na akong nagawa kaya umalis na ako, pumunta ako sa second floor ng building at hinanap ang room79, I swiped the card and the door's open.

Namangha ako sa loob punong-puno ito ng equipments na pang-gym, lahat ng kagamitan ay may nakalagay nang label. Buti pa yung mga gamit may label kami wala. Napailing naman ako sa naisip ko.

I wonder kung sinong sir ang sinasabi ng babae pero hindi niya kayang makapagpagawa ng ganito sa lugar na ito kung hindi siya ang may-ari. Maybe he is the owner of this hotel?

Nagwarm-up muna ako bago sinimulang gamitin ang mga equipments. Una kong Sinubukan ay Indoor Cycle bike nang mapagod ay nagpahinga muna ako ng ilang sandali.

Sunod kong binuhat ay ang kettlebells dahan-dahan kong binuhat ito hanggang sa makaya ko ang bigat.

Dahil sa pagiging abala sa pagwowork out ay di ko namalayang may pumasok na tao napalingon ako sa pumasok natahimik ako parang bigla akong nailang, napatigil tuloy ako sa pagwo-workout.

"Continue what you are doing." Malamig na sabi nito, kaya natauhan ako natatarantang umalis ako sa harapan niya, pumunta ako sa may leg extension machine.

Dahil sa pagiging taranta ay muntikan na akong mahulog, hindi nga ako nahulog pero ang ending nauntog ang paa ko sa bakal.

"Ouch!" Sigaw ko sa sobrang sakit ng pagkakatama naramdaman kong lumapit siya sa akin.

Chasing A Masungit ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon