Chapter 30

221 10 0
                                    

"Let's get to the final query." tumango ako.

"How was your relationship with your family?" Is this some sort of joke? Is this guy trying to embarrass me with all those people watching us all over the world? Gad, this is ridiculous. Hindi lingid sa kaalam nila ang nangyari sa pamilya namin,  umiwas ako ng tingin. Kinagat ko ang labi ko para maiwasan ang mga likido na lumalabas sa aking mga mata. Sa lahat ng topic na itatanong sa akin ito ang ayaw kong marinig. Ito ang pinakakaiwasan kong tanong.

"T-t-that's too personal." Nakita kong lumalamlam ang mga mata niya. Nakita kong naawa siya sa akin pero nawala din agad, ayaw niyang ipahalata. I still feel that he still cares for me, or I am just assuming.

"I'm sorry for that,"

"I'm fine. No worries" I still managed to smile fakely. Tinitigan niya ako na parang kinikilatis kung totoo ba ang sinabi ko. Ngumiti ulit ako pero umiling lang siya. Parang nakakahalata siya na hindi ako nagsasabi ng totoo. Walang nagsalita sa amin.

"Thank you for accepting my invitation to have an interview with you." He uttered, breaking the silence. Most likely, he'll be able to break the awkward moment. I smiled akwardly.

"No problem, the pleasure is mine," That was a lie. I almost sank in shame. I can't stay longer here.

"It seems that your friend left you." Nagkibit balikat lang ako tumayo na ako at ngumiti sa kanya.

"I gotta go." Tumayo na din siya nagtaka naman ako.

"I'll drive you." Seryoso ba siya may programa pa nga siya. Ano iiwan na lang niya basta basta yung programa niya.

"Thanks but, no thanks, I can handle my self, and besides, you're still on air." Tiningnan niya ako sinisigurado kung kaya ko na ba talaga. Gosh, I'm old enough for this. Anong tingin niya saakin bata na walang isip? Malaki na ako kaya ko na ang sarili ko.

Tumalikod na ako naglakad na paalis paglabas ko ay nakahinga ako ng maluwag. Narinig ko na naman ang mga  bulong bulungan ng mga tao. May ilang mga bumabati sa akin pero di ko sila pinapansin. Wala sa sariling nakarating ako sa parking lot. Hindi ko na alam kung paano ako nakapaglakad ng maayos papunta dito sa parking lot, basta ang alam ko nakarating ako dito.

"Hey,"

Bumalik lang ako sa wisyo nang marinig kong magsalita si Sungit. Napaangat naman ang tingin ko. Nakita ko siyang nakasandal sa sasakyan niya at nakapamulsahan. Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba umalis na ang isang 'to?

"What are you doing here?" Umayos siya ng tayo at pinatunog ang kotse senyales na binuksan niya ito.

"I'm waiting for you." Casual na sabi niya.

"I thought you leave me already," Umiwas siya ng tingin. Akala ko kasi talaga ay iniwan na niya ako. Ang naisip ko baka ay nabored na siya kahihintay kaya umalis na siya at bumalik na sa restaurant. Halata naman sa facial expression niya na laging nakabusangot.

"I-i-i leave there b-because, nevermind let's go...." Hindi na niya tinuloy ang sinasabi niya dahil sumakay na siya sa driver's seat. Pinagkunutan ko naman siya ng noo. Anong nangyari doon? Tsk. Kahit kailan talaga ang Sungit. Napaigtad naman ako nang may malakas na bumusina siya. Inirapan ko naman siya at sumakay na.

Tahimik lang kami walang nagsasalita saamin kaya kinuha ko na lang ang phone ko. Since naka connect na ako sa wifi niya ay madali na lang makapag-surf sa internet. Kaagad kong hinanap ang live sa YouTube at pinanood ko yun.

Noong una ay halos lumubog na ako sa kahihiyan sa kinau-upuan ko. Pero nang tumagal ay di ko na napigilan ang sarili kong magbasa ng mga comments, nanonood lang kasi ako ng live kanina. Pero noong napunta na ako sa video kung saan tinanong ako ni Ejay kung anong masasabi ko sa mga bashers ko ay binuksan ko ang comment section.

Chasing A Masungit ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon