Chapter 8

439 122 27
                                    

"Veronica?" Sagot ng lalaking moreno kitang-kita ang hubog ng kaniyang panga, ang magandang mata na kahit kulay itim ay bumagay pa rin sa kaniya, ang matangos na ilong, ang mapula-pulang labi, in short gwapo rin ang isang ito at kahawig niya si Sungit.

I think they are relatives. I don't know, hindi ko na pinansin yung lalaking katabi ni sungit.

Napatingin ako kay Sungit at kitang-kita ko na titig na titig siya sa akin, parang sinusuri niya ang buong katawan ko, tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa nang matapos niyang tingnan ang buong katawan ko, nakita kong napako ang tingin niya sa may tainga ko.

Napakunot naman ang noo ko titig na titig siya sa may tainga ko, kaya lalo akong nagtaka kung Bakit nakatingin siya sa may tainga ko. Ano ang tinitingnan niya? Napaisip naman ako. Napamura ako nang maalalang ginamit ko yung airpods pro niya, sinuot ko nga pala yung airpods pro paktay baka akalain niyang tinatanggap ko yung airpods pro, dali-dali kong tinanggal ito.

"Let's start the pictorial first," saad ni Karen napatingin ako kay Sungit nakita kong di na siya nakatingin sa akin.

Bumaling ako sa pinsan ko binigay ko sa kaniya ang phone ko at airpods pro. Mamaya ko na lang ito ibabalik.

"Keep it," Sabi ko napatingin naman si Ven sa binigay ko tumango siya at ngumiti.

"Nice! Pahiram ako ng phone mo ha!" Saad pa niya.

"Yeah sure," nakangiting sabi ko.

"What's your password again?" Kunot noong tanong niya natawa tuloy ako para kasi siyang may kaaway habang hawak ang phone ko.

"My birthday."

"Ay! Oo nga pala" kinalikot niya ang phone ko.

Di ko na siya pinansin at nag-ayos na lang ng sarili dahan-dahan kong inalis ang bath robe na nakabalot sa buong katawan ko, at ang tanging natitira na lang ay ang lingerie.

Napatingin ako kay Sungit titig na titig siya sa akin nakaawang pa ang bibig, napangisi ako kinindatan ko siya nag-iwas siya ng tingin kinagat niya ang labi niya. Alam ko namang na-aattract siya sa akin.

"Maghubad ka na lang kaya," Masungit at mahinang aniya, hindi naman yun nakalampas sa pandinig ko. Agad naman akong nadismaya sa narinig ko biglang uminit ang ulo ko.

Di ko alam kung maiinsulto ba ako o kikiligin "Gad He's annoying!" Naiinis na sabi ko sa isip. Napatigil naman ako nung naalala ko yung sinabi ko.

What did I said? Kikiligin Bakit naman ako kikiligin dapat nga mainis ako ano bang nangyayari sa akin? Wala namang nakakakilig sa sinabi niya.

"Get a Grip, Lorraine." Mahinang sabi ko.

"Anong sinabi mo?" May bahid ng inis na singhal ko, di niya ako pinansin tumalikod siya at umalis lalo akong nanggalaiti.

"You freaking Jerk!" Susugurin ko sana siya pero pinigilan ako ni Ven.

"Calm down, just fix yourself." Wala na akong nagawa kaya tumango ako at nagayos na lang, niretouh ako ng make up artist.

"Let's start." sabi ni Jols

"Doon ka sa may seaside." sinunod ko ang sinabi niya pumunta ako sa may seaside.

Binigay nila sa akin ang isang sachet ng Hana shampoo hinawakan ko ito sa kaliwang kamay ko, at sa kanang kamay ay nilagay sa ilalim ng shampoo ngumiti ako at nagfierce.

Binigay rin sa akin ang isang bottle ganun din ang ginawa ko nagsmile at fierce kinunan ako sa iba't ibang angle and, poses. Natapos kami mag-shoot at pinuri ako ng mga staff.

Chasing A Masungit ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon