"Lee, can we talk?" Pagsusumamo ko sa kanya. Kakatapos lang namin mag-shoot ng isang scene. Kinakausap niya lang ako kapag tungkol sa trabaho pero kapag tungkol na sa nangyari noong nakaraang araw ay iniiwasan niya. Binalingan niya ako ng tingin hindi ko mawari kung anong pinapakita niyang emosyon.
"Not now, Lorraine. We will talk, just not now, please. Give me time." Napabuntong hininga na lang ako at tumango. Umalis na siya. Naiintindihan ko na galit pa rin siya sa akin. Tinanaw ko siya habang papalayo. Gusto ko siyang habulin pero mas maigi na rin siguro na hindi muna, dahil hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Baka lalong hindi niya ako kausapin kapag pinilit ko pa ang gusto ko.
Si Caleb naman ay hindi ko pa nakakausap mula noong gabing iyon at walang naman akong balak na kausapin siya. Isang beses lang siyang nagpakita sa tapings at iyon ay noong unang araw pagkatapos ay hindi na siya bumalik pa. Kapag may kailangan naman ay tinatawagan nila siya. Akala ko ba kailangan namin ang kanyang presensya bakit ngayon wala siya? Wala man lang ba siyang say sa sinabi ko sa kanya? No, hindi dapat ako ang magpa-apekto. "Stop chasing me" pala ha, sige fine, manigas ka dyan!
Naglibot muna ako sa buong lugar. Gusto kong makapagisip-isip. Hindi ko alam kung paano ko malalampasan itong gulong pinasok ko. Walang tamang salita para sa ginawa ko kay Lee. Pinaasa ko siya, umasa siya na maibabalik namin ang dati. Hinubad ko ang sapin sa paa ko at linublob sa dagat. Napayakap naman ako dahil biglang umihip ang hangin.
It was a scornful idea to confess my feelings to Caleb. That moment of confessing my feelings to Caleb taught me the power of taking risks. Confessing your feelings to someone can be a vulnerable and uncertain experience, and the response you receive may not always be what you expect or hope for.
"Hija?" The rhythmic symphony of waves orchestrates a tranquil harmony within me.
"Hija?"
"Huh?!" I saw a mid aged woman. Hindi ko masiyadong maaninag ang mukha niya dahil madilim na. Lumapit naman siya sa akin kaya naaninag ko ang mukha niya.
Her lips wore a tranquil smile that reflected a serene satisfaction emanating from within her. Her mere presence exuded an undeniable grace, an enchanting allure that attracted those around her.
"Alam mo ba hija? Siyempre hindi pa wala pa akong sinasabi eh," Lihim akong natawa sa isip ko. Pinigilan kong matawa kaya pinanatili ko namang seryoso ang aking mukha.
"Kamusta?" It feels unusual to me that someone I don't know is inquiring about my well-being. I didn't bother to answer her query.
"Alam mo kasi hija, siyempre hindi pa nga," Humagikgik naman siya. Oh come on!
"Alam mo ang isa sa linagay sa buhay ng tao ay Fear," Napukaw nito ang atensyon ko. Tahimik akong nakinig at hinintay ang susunod niya pang sabihin.
"Yung tipong tutulo ang luha mo, di ka mapalagay, torture ka physically and emotionally. Hindi alam ang gagawin walang malapitan."
"Ang daming tanong, puro tanong, pero takot malaman ang sagot." Nagmistulang lason na pumasok sa akin ang sinabi niya. Unti-unti nitong naapektuhan ang emosyon ko.
A drop of clear saline fluid secreted by the lacrimal gland and diffused between my eye and eyelids fell on my cheeks.
"Pagod na ako, pagod na pagod na ako. W-wala na ba itong katapusan?" Panimula ko.
"Ang, ang sakit na rin pala na marinig ang mga masasakit na salita na binabato nila sa akin."
"I was constantly pressured to be the person that I am not." Mataimtim siyang nakikinig sa akin. Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiting nagsasabi na ituloy ko lang ang kinukuwento ko. Bahala na hindi naman kami magkakilala.
BINABASA MO ANG
Chasing A Masungit Man
RomanceLorraine Skarlet who doesn't believe in such thing such as love. Ayaw niya itong seryosohin sapagkat alam niya na kapag ginawa niya iyon ay masasaktan lang siya sa bandang dulo. Hindi sa lahat ng pagkakataon masasabi mong worth it magmahal, dahil ka...