Chapter 29

249 13 0
                                    

"Look at your back. Who is that guy?" Ulit na usal nito. Salamin kasi ang paligid tapos nakaharap ako sa kanya kaya di ko alam kung sinong tinutukoy niya. Kaya napalingon ako sa likod ko. Nakita ko doon si sungit na nakabusangot ang mukha. Pasimple akong natawa sa facial expressions niya. Kahit kailan talaga itong si Sungit

"Who is he?" Pagulit niya pa. What would I say? that he is my friend? We're not even close. My family? were not relative. And of course he is not my boyfriend. Should I say that he is my driver? That's weird.

"Anyway, you smiled when you saw him, I knew it already. He is your boyfriend? Am I right?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya paano niya naman naisip iyon? Tumawa lang ako ay nabigyan na ng kahulugan? Bawal na bang tumawa?Natawa siguro pero imposibleng ngumiti ako dahil kay Sungit.

"He is not my boyfriend ahm h-he is just my friend."

"Yeah right common answer of celebrities."

I rolled my eyes. He did not believe me. There was nothing suspiscious about my smile. It was not a big problem. Why did he make it a big deal?

"He is really just a friend of mine."

"Oh I see." Tumatango pa siya.

"Nakakatakot tuloy lumabas. Baka matikman ko sariling dugo ko nang wala sa oras." I gave him a boring look.

"Fine, let's proceed to the next question." Saad nito pero halatang hindi pa rin siya naniniwala.

"Do you hate men? Kailangan ba ulit-ulitin niya yang tanong na yan?

"You already asked that question."

"I just-" di ko na siya pinatapos magsalita.

"Well, ang mga babae ay dapat na masaya habang ang mga lalaki ang dapat na magdusa." Nakaawang ang bibig niya habang nakatingin saakin ng hindi makapaniwala. Lahat ng lalaki pare-parehas lang sa una lang magaling. Kapag nagsawa na sila sa babae hahanap ng panibago. They are just giving pleasures to themselves. They don't care about how the girl will feel.

"If that the case you really are a manhater." Napailing na lang siya hindi ako kumibo. Tiningnan ko lang siya. He's also looking at me. Hindi ako nagpatalo sa kanya nakipagtitigan lang ako sa kanya hanggang siya na ang unang nag-iwas ng tingin.

"Do you believe in love?"

"My question is wrong. Do you still believe in love?" Naniniwala pa nga ba ako dyan? Ang tagal na ng muli kong naramdaman yang love na yan eh. Nakakain ba yan? Masarap ba yan? Ang alam ko kasi mapait yang love na yan. Ilang minuto ako natahimik bago nakasagot.

"Love is just a nuisance. I got fooled once, and I will never let that happen to me again. My once fragile heart became stone cold."

"Sino yan, Sino huh?"

"Who knows baka kilala mo siya? I smiled mischievously.

"Sino? Bugbugin ko na ba? Abangan ko na sa gate?" Napawi ang ngisi ko sa sinabi niya.

"Tss, slow" Sinamaan ko siya ng tingin. Di ko alam kung slow lang talaga siya o nagmamaang-maangan ang isang 'to.

"Ay ganun? Hahaha"

Inismidan ko lang siya.Ang saya niya grabe hatala talagang gag* ang isang ito. Pagkatapos ng ginawa niya nagmamaang-maangan na walang alam. Mga lalaki nga naman oh.

Chasing A Masungit ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon