CHAPTER 27: A Date Went Wrong?

484 49 21
                                    

SOPHIA

"WHERE'S Clifford?"

Nagkatinginan naman ang mga maids ni Mrs. Reins. Kahit ang lalaking butler ngayon ay natulala din at nakanganga pa ng konti dahil sa biglaang pagtanong ng kanilang amo. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung todo effort kana sa pag welcome sa amo mo pero iba naman agad ang hanap, diba? Teka nga lang? Eh pakialam ko naman? Hayst.

Napansin kong napalunok pa ang lalaking butler at bahagyang tumingin sa akin. Hindi naman kami close kaya nagpanggap na lang akong kay Mrs. Reins tumitingin. Nilagay ko naman ang aking kanang kamay sa bulsa ng pantalon ko at muling napatingin sa mga maids na ngayon ay kunot ang noong pinasadahan ako ng tingin.

May iba pang ang sama ng tingin sa akin as if namang may ginawa akong masama sa kanila. Nakatayo nga lang ako dito at walang ginagawa, how much more kung sinimulan ko nang dukutin ang mga mata nila?

"Why? Is there something wrong with my question?"with heads up at nakataas kilay na tanong ni Mrs. Reins. Ang sungit pa ng dating ng tono niya na ngayon ko lang narinig. Kaya naman pala mukhang takot na takot 'etong mga maids niya. Eh bakit hindi siya masungit nung ako ang kaharap niya?

"W-wala po ngayon d-dito si Mr. Reins, madam."

Hindi pa natatapos magsalita ng lalaking butler ay nilayasan na siya ni Mrs. Reins kaya sumunod na lang din ako sa kanya papasok. Baka magalit din sa'kin kung bigla na lang akong lalayas dito sa mansion nila eh. Bakit ba kasi ako nandito? Tsk.

Hindi parin mawala-wala ang masasamang tingin sa akin ng mga maids ni Mrs. Reins hanggang sa makarating kami sa guest room. Ang iba naman ay walang pake sa presensya ko which I find it nice, 'cause I don't like being a center of attraction.

Ngumiti naman sa akin si Mrs. Reins na ikinagulat ng mga maids niya. "Welcome to my humble home, Sweetheart!"

Ngumiti na lang din ako sa kanya dahil lalong tumalim ang tingin sa akin ng mga maids niya. Ano bang problema ng mga taong 'to?

Maya-maya ay may lumapit kay Mrs. Reins na isang lalaking nakasuot ng lab gown. Natulala pa ako saglit dahil sa napakagwapo nitong mukha, matured version na ni asul kumbaga.

Bakit ba halos lahat ng nakikita ko ay kamukha ni asul? Ginayuma na kaya ako ng weirdong'yon?!

"Welcome back, Darling!"natatawang wika nito at hinalikan sa pisngi si Mrs. Reins. Bagay na bagay din sa kanya ang pagtawa niya and I find it sexy kahit baritono ang boses niya. Ngumuso naman si Mrs. Reins.

"I thought you're not here."

"Kararating ko lang, Darling. Isa pa, I don't wanna miss seeing your beautiful face, as usual."sabay naman silang nagtawanan. Teka nga? Darling? Kung ganoon ay sila? Mag asawa sila?

Kumunot naman bigla ang noo ko. Eh sino si Clifford?! Ang gulo naman.

"Oh! Sophia, sweetheart. Nakalimutan ko nga palang magpakilala. I'm Alexandria Jeaslie Reins."nakangiti niyang baling sa akin na ikinalaki ng mata ko. Reins? Yeah right, hindi nga ako nagkamali. Bakit gulat parin ako kung expected ko na? Urghh!

"Sophia? Woah, this gorgeous young lady is Sophia?"nanlalaki pang mata ng lalaking kayakap niya ngayon pero nakangiti parin.

"And this is my husband, William Clifford Reins."

Mas lalong nanlaki ang mata ko. Palipat lipat pa ang tingin ko sa kanilang dalawa. What the freaking Reins! Gusto yata akong mastress ng pamilyang 'to!

Tawang tawa pa sila ngayon habang tinitingnan akong nakanganga at nanlalaki pa ang mga mata. Daebak. Just daebak! (Great)

Oh lupa! Kainin mo na ako ngayon! Paano ko nagawang pag isipan si asul na pumapatol ng mas matanda sa kanya? And what the hell am I thinking na sugar mommy niya ang tunay na ina? Hindi ako makabelieve. Mas lalo akong napahiya kung sinabi ko pa yun kay Mrs. Reins!

Mysterious Guy(Excavation Of The Past- COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon