SOPHIA
NATIGIL kami sa ground floor sa likod ng building namin. Huminto siya sa paglalakad at hinarap ako. Nagulat pa ako ngunit agad rin itong nawala nang sumilay ang ngisi sa kanyang mukha.
"Hindi ka parin nagbabago...girlfriend."
"Tss..whatever, jerk!"inismiran ko siya at pumaunahan sa kanya. Dahan dahan lang ang ginawa kong paglalakad habang siya naman ay nakasunod sa likuran ko. Natahimik naman siya na ipinagtaka ko.
Maya maya ay may naramdaman akong kamay na pumulupot sa braso ko at iniharap ako sa kanya. Natigilan naman ako sa ginawa niyang mabilisang pagyakap sa akin. Kung napaghandaan ko siguro iyon ay marahil may itim na ang mukha niya ngayon.
"I miss you,"
Nakangiwi kong idinuro ang aking hintuturo sa kanyang noo upang ilayo siya sa akin. Chansing ang isang 'to eh, noh?
"Kung inaakala mong madadaan mo ako sa ganyan ay nagkakamali ka. Magkamukha nga kayong dalawa pero alam ko ang pagkakaiba ninyo. So tell me, Dj. Anong relasyon no sa kanya?"
Ipinag krus ko ang aking braso habang nakatitig sa kanya ng seryoso. It is definitely obvious na ang kasama ko ngayon ay hindi iyong Dj na englishero 'di ba?
Napa iling siya at napahawak sa panga. He look surprised. Hindi siguro siya makapaniwala sa mga sinabi o tinanong ko.
"I can't believe na hindi mo pa rin ko kilala, girlfriend."nakangisi niyang wika. Napangiwi naman ako at biglang uminit ang ulo nang marininig ko na naman ang 'girlfriend' na sinasabi niya. Taas ng pangarap ng lalaking 'to.
"Tsk. Drop that stupid endearment of yours, Dj."
Hindi ko alam kung anong binabalak niya kung bakit lagi niya akong tinatawag na girlfriend kahit wala namang kami. Hindi siya nagsasawang tawagin ako ng gano'n at pati ako ay hindi rin nagsasawang suwayin siya.
"I don't want. And please...stop talking about my cousin here. Konting respeto naman, girlfriend. Ako itong kasama mo pero iba ang nasa isip mo."nagtatampo kunwaring wika niya kaya napa iling ako.
"At sino naman ang may sabing iniisip ko ang pin--wait! Pinsan? Cousin? So you mean..? Isa ka rin palang Reins, Daine Jester?"kunot noo kong tanong at hindi makapaniwala siyang tinitigan.
"Such a smart lady you are, girlfriend! And please..stop staring, baka matunaw ako nyan."
Inirapan ko na lang siya sa sobrang kapal ng mukha niya. "Ikaw siguro ang long lost twin niya. Kung hindi talaga kita kilala ay mapagkakamalan kitang si Clifford. Well, not me but also them. But luckily, kilala na kita. Kilalang kilala."
"And when did you started calling him 'Clifford'?"napatingin naman ako sa kanya na ngayon ay nakakunot na ang noo habang mataman akong tinititigan. Bahagyang gumalaw ang panga niya sa hindi ko malamang dahilan.
"Maybe...5 seconds ago lang?"ngumiti naman siya at ginulo ang buhok ko kaya inismiran ko siya.
"Pabo! (Stupid!) You're ruining my hair style!"inis na sigaw ko sa kanya.
Ngumiti lamang siya at tumingin sa mga puno. "Remember our first meet?"
Napatitig naman ako sa kanya nang bigla niya naman itong natanong. "Of course! My worst day ever. Tsk."
Actually, nag aral ako sa America when I was a Grade 7 student at kaklase ko siya. I am 14 years old at that time. Naglalakad sa hallway habang may bitbit na dalawang libro. Bigat na bigat pa ako no'n dahil hindi lang basta libro iyon dahil makapal talagang libro. Tumatakbo ata siya no'n at may hinahabol at hindi ako napansin kaya nagkabanggaan kami. Galit na galit siya at tinalikuran pa ako...sinong hindi maiinis do'n? Hindi na nga nagsorry tinalikuran ka pa? At dahil sa inis ko ay ibinato ko sa kanya ang isang librong dala ko at natamaan siya sa ulo.
BINABASA MO ANG
Mysterious Guy(Excavation Of The Past- COMPLETED)
Mystery / ThrillerPUBLISHED UNDER KRISOZTOMO TAGALOG STORIES GUY SERIES #1 Sophia Elizabeth Robinsons was just an ordinary girl who suffered from short-term memory loss. After transferring to their own school, she met mysterious people, encounter any weirdos, experie...